hmmm, tunog “tsekwa” ata ang title ng post ko? ay oo nga hehe…mga friends, I’m here in China…paano at bakit ako napunta dito? pumikit lang ako then presto! hahaha…
Hindi naman mahabang kuwento, in fact napakabilis nga ng pangyayari eh. Nakatuwaan ko lang magpadala ng resume ko sa isang Offshore Engineering Company in Shandong China, (of course thru a friend na rin) akalain mong nag jojoke lang ako eh…eto na nag email na sa akin ang Technical manager hiring me to work in their company? Huwat??? ayun po, medyo nagulo na ang utak ko kasi hindi sa nagyayabang ang lola, 3-fold ang taas ng offer at USD pa? huh? Bad ba ako?…hindi pa tapos ang project ko at iniwanan ko siya? suppose to be by november pa ang completion ng Topside Project ko ( Living Quarters) pero ‘yun na nga. Uulitin ko…bad ba ako?
Ang tutuo before pa ako nagpadala ng resume sa China, hindi na ako masaya sa former company ko….hindi sa project, in fact doon ako nalungkot yung hindi ko siya matapos. (mahal ko ang trabaho ko *sniff*) kundi yung ating ilang kababayan. Mga kababayang kapag umangat ka eh, galit sila sa tao? kahit saan talaga meron…anyway, saka ko na siya ikukuwento. Medyo rattle ang post ko ngayon (pansin niyo?), nasa internet cafe lang ako hindi ko naisama si lappie sa China, ayun sa kabilang cubicle si fafa at nag iinternet din hahaha! siya ang nabitbit ko instead of laptop hahaha (uli).
Saka na ang ibang kwento bibisitahin ko muna kayo kahit sandali lang, miss ko na kayo!!!!
pahabol: sorry sa ibang hindi ko nadalaw, i can’t open your site…esp blogspot. I tried…huhu…
Grabe sis!!! Balak mo bang i-conquer ang Asia?? Hahaha… So happy for you! Naku, opportunity knocks only once, kaya grab it agad!
Naku you owe us a lengthy kwento hahahaha
Happy weekend sis
Ingat lagi and God bless! Mwah!
aba! your really full of surprises nona gurl!
thanks sa greetings!
nakz naman ninang china na ang beauty mo….. gudluck sa inyong bagong job
hi sexy and beauty Nona! andito lang ako, ilang minuto lang nung pagdalaw mo sa bahay tsaka naman ako nag-publish hehehe….anywayssssss sorry for the delay ng response ko sa task ha, but its done na! balik nalang you to see it.
uy wow! nasa china ka na pala,congrats and goodluck jan.
okay yan ah mas higher ang offer? wow ang sayasaya!!!
ayos na ayos ang fueng sui,,,hee hee mali yata spell ko
grabe ang beauty in tita, pang international hahahhaha! plano pa naman kitang bisitahin s malaysia pagputi ng uwak yun pala wala ka na dun. Si fafa ko dun na ngayon eh.
anyway, the bloggers are happy for you. basta uwi ka para grand eb hehehe.
I don’t think it’s bad. Most OFW rely on salaries to fed themselves and their families at home. so the bigger the better. At dahil telented at masipag ang pinoy(though hindi lahat. Marami ring batugan at may crab mentality kahit sa abroad), talagang maraming tatanggap.
I was in the same situation before, but the company had a bargaining and counter offer with me, making me junior partner
tignan mo nga naman yan ano?
e paano yung family mo diba kasama mo rin sila sa malaysia?
Wakanga, Nona. Ano ikaw ngawa diyan? LOL Hey, congratulations sa pagtaas. I don’t begrudge people who get high up the ladder…you deserve it. Talagang ang China pala ay booming.
Don’t worry about bloghopping for now. I haven’t posted anything in mine for a long time, as it’s again veeeery hot here…extremely hot.
Muah!
uy, may ibang bahay ka pala. ngayon ko lang nadalaw.
oo nga, may mga taong ganyan, crab
maigi pa ngang umalis ka na lang bec id oubt if these people will change.
good luck sa china1
I can relate pagdating sa problema at work. Good luck diyan sa bagong trabaho mo diyan. If you have more time, show us some photos, too!
wow naman… pang-china ka na ngaun!! i’m so happy and proud sa’yo!! mwuaaahugggzzz! super-talented ka kasi kaya trabaho na ang dumadating sa’yo! o di ba kahit pajoke-joke lang! hehehe!
enjoy ka dyan! missshuuuu te! mwuaaahugggzz!
@sasha:
Hi sis, hindi naman nagkataon lang may karugtong pa nga iyan kaya lang naku lalong nagulo ang utak ko. Tama sis, opportunity knocks once, kaya ayun grab ko na siya.
Happy weekend too. GOD BLEss too!
@Hana?? hmm? Jo!
I’ll do the task jogurl…di lang makaporma sa ngayon at limited ang time dito sa internet cafe. mwah! Happy bday ulit! asan ang cheese cake?
Inaanak:
Salamat ng marami, sana maging okay lang ang lahat.;-)
Hi BEE:
nagkasalisi pala tayo, anyway glad you’re back na! I’m sure full of interesting chika na naman ang post mo.
Of course, babalik at babalik ako…always!
@ REM:
hi haha, ikaw nga…bumalik ka na talaga! sayang doon pala sana tayo mag EB sa malaysia, di bale sa pinas na natin ituloy. Bakit ang tagal mong nawala?
@ REY:
Hello, wow may new reader ako. welcome to my place
Thank you sa motivation, nag counter offer ang ex-co kaya lang, sometimes its not just the $$$$ that we consider kundi yung ating situation kung masaya ba ako?, sa work ok lang but the people around us…esp “those” people…*haaay*
Sis Melai:
Biglaan sis kaya nag double time sa pag aayos sa kanila. ok na sila.
@ MARI:
ay naku MALI, ako ngawa kung anu ano dito…hehehe, hilap maksalita intsik dito ni hao? inihao o plito? kosingawlu lang alamko
Thanks Mari. *hug*
@ CESS:
Lumang bago na eto mareng cess.
Kaya hindi ko na rin pinatagal ang pagdecide, Go na agad ako.
Salamat…
@ Dodong:
Hi, parang si Isko ka?…o si cruise?
oo nga siguro, salamat.no regrets…mababait mga kasama ko ngayon. sure I’ll post some pics here.
Rho:
Salamat sis bru, hindi naman siguro…sinuwerte lang din.
Ako rin mishu na…hugs and mwah!
Happy Monday, sis! Dugtungan mo na itong post mo hehehe
Mwah!
hi ate, musta na?
dumaan lng kasi i remember you eh…
long time no comment, hehehe…
Wow, congratulations Nona. 3 fold at USD pa, yay ang laki.
o shoooot! nabigla naman ako dito, parang joke ang dating, pero totoo na ito. ipasa mo rin ang resume namin baka sakali may triple din ang income ko, hehehe. maganda dyan, mababa xost of living madali kang yayama. enjoy. keep us posted.
Congrats! Hindi ka bad no practical lang. Goodluck sa new place mo, parang kelan lang sabi ko rin goodluck sa new place….hehehe.
Hello Nona!!Its been a while..grabe,nasa China na pala ang career woman?wow!congratulations!!
I miss you a lot na..sorry,di na nakadalaw.and hirap mag concentrate sa blogging.
goodluck to you!!
Dami mong opportunity ate! Good luck sayo and Godbless!
Balitaan mo kami agad ha!
nga pala ate, pa-replace naman yung link ko na http://esophoric.blogspot.com to http://pinkbox.uni.cc/
ty ate!
helloooo ate nona!! andyan ka pala sa China? new environment uli? but that’s okay kasi di naman maganda ang environment mo sa former workplace mo… meron talagang mga taong ganyan ate,.. i know the feeling… ang daming mga ganyan nakapalibot sa amin. *Sigh* part yan sa process ng life… miss you! be blessed.
Hello Nona,
Hope you are well out there.Super busy ang beauty mo ah?
nagtatampo ka ba?i hope not
kind regards!
oopppsss….andiyan ka sa china? ang galing naman…yong iba nahihirapang maghanap ng trabaho tapos ikaw di naman serious pero natanggap ka…hehehe…ang galing!