Hi there! do you miss me? pagkagising ko kanina…sabi ko sa sarili ko “yehey, no work! makakapunta ako sa internet cafe”. Hay, ang babaw ‘no? Holiday dito ng 1 week since yesterday oct. 1 China is celebrating their National day, Kaya fire crackers dito, fire crackers doon takot pa naman ako sa paputok. Sobrang lamig na dito autumn pa lang, mabuti na lang nakikisama ang allergy ko (sa lamig) at hindi umaatake. Dati konting lamig lang namamantal na ako.
6:41 am pa lang nasa kalye na kami ni hub we took our breakfast sa resto, malls are just 10 minutes away from our place 8:00 am open na ang mga malls dito. Ini-encourage ng government ang pagtitipid sa electricity kaya maagang nagbubukas at maagang nagsasara, isang paraan din sa global warming, no aircon sa loob ng mga dept. stores. Okay lang dahil napakalamig ng klima sa labas. Sabi ko nga, sa pinas kung gusto mong magpalamig during summer punta tayo ng mall, dito naman if you want to keep warm punta tayo ng mall haha!
Noong bagong dating ako dito sobrang ingat ako kasi marami akong nabalitaang hindi maganda about China, yung mga products nila, foods etc. kaya natuwa rin ako dahil on the contrary ang napuntahan kong place is, people lived here with a healthy lifestyle.
Sayang, di ako makapagpost ng pics kasi wala pa akong PC sa bahay, “internet explorer” lang ang nakikita kong english word sa mga computers dito sa internet cafe
iyon lang ang problema dito kakaunti lang ang nakakaintindi at nakakapagsalita ng english kaya no choice kailangan matuto akong magsalita ng mandarin. meron na akong alam “ko-sing gawlu” haha!
That’s all folks! mabilisan lang…just want to keep you posted, para hindi niyo naman ako makalimutan hehe…nagdrama pa raw?
Happy Tuesday!
(Again..I am so sorry I can’t get in to blogspot banned ‘ata dito. Anyway dito ko na lang kayo batiin MARI, TINA, IDEALPINK, DANGKIN…Hi! and to the rest of my blogfriends @ blogspot.)
nona gurl miss you na! mabuti at may break kayo dyan. dito rin malamig na. iwas din ako ngayon sa mga made in china.
hay… ikaw pa di ka namin makaklimutan noh. heheh
take care!
Papaganda na rin ang panahon namin dito, lapit na rin kasi mag winter.
Madali kang natututo ng salita nila ryan kasi may nakakausap ka, ako kasi sa bahay lang kaya kahit matagal na rito eh limited pa rin ang alam na arabic. Ingat.
Ayus pala mga malls dyan. Hehe. Maaga bukas, maaga makakapag-cutting. nyahaha! joke lang.
ingat ka dyan ate and enjoy!
aba aba lipat ka na pala talaga dyan huh…
“ko-sing gawlu?, mura ah penge hehhe
Parang New Year pala diyan ngayon!
Wow naman… one week holiday, kainggit naman ‘yun!
Kami kaya, kailan kaya kami magye-”yehey” dahil wala ring pasok ng isang linggo?
Happy Tuesday Nona Gurl… mwah!
Language barrier is always my problem when I go to China. One time, while coming from a lone walk at the Forbidden City at Beijing, pumara ako ng taxi so I can go back to my hotel where my colleagues are. sinabi ko yung hotel ko pero hindi ako maintindihan. I think parang limang taxi yata ang pinara ko pero wala pa rin. Luck I got my hotel namecardwith me so I just show the card to the driver at tumango na. Ayun, saka palang ako nakasakay.
Hi Nonaaaaa!!Yeahh yeahhh I miss youuuu!!haha!
hyper pa rin,yan ang problem pg na blog addict ako,hehe..
nice to see you blogging again,and youre fortunate that you and your hub happened to be in a healthy place there.so,first winter mo?its alright,as long as hubby is with you,no cold nights,LOL!
grabeh,ang aga ng opening,pero much better,ecology wise nga.
super ang holiday,one week!!wowwww!enjoy it and take care too!
hugs hugs hugs!!
ghee
ateeee nonnnaaa!!! yaaaayyy… great to hear from you!!
ang saya naman.. 1 week walang pasok! mag-enjoy kayong mabuti ni hubby dyan…
aha! This is where you’ve been hiding! I havent talked to you for a longggg time! Kamusta ka na, Nona? Miss yah!
Nona, buti naman at nag-update ka at para nalalaman namin kung ano na ang mga pangyayari sa inyong 2 diyan. Buti naman at oks kayo. Malapit na nga pala ang 10/10 ano. Iyan ang kanilang ise-celebrate ng malaki.
Mandarin pala ang salita diyan…ang alam ko mandaroon…saka mandarito. he he he Mandarambong pa pala. LOL
Take care.
Happy Holidays uli,Nona!hope youre having fun!!
ghee
Thanks sa mga responses…*bow* ! *wave* haha!
I shall return…promise *wink*
Dumaan para mag-hug…
Happy Sunday, Nona gurl!
wow! i learned something about china…walang aircon sa mga malls…ganon din kaya pag summer?
sana mabuksan mo na ang blogspot. i’ve got something for you pa naman.. di bale saka mo na gawin pag ok na.. hehehe…
happy Monday!
hi Nona! may naipon na akong kwento hahaha
china life, matutoto ka kaagad nyan ng salita nila kasi ganon din ako dati dito, talagang kailangan matuto agad para magkaintindihan,hehehe
nasa bansa tayo na no english please! hahaha
pero dito maraming pinay, jan marami rin?
sarap naman nyan, tagal ng holiday…uy ganda siguro ng fireworks,
buti naman at okay ang place na napuntahan mo, kasi ang dami-dami talagang bad news about china, ingat ka nalang specially sa food.
*mwaaah* hugs n kisses
tapos na ang holiday?back to work na ba,Nona?
natawa ako dun sa puro chinese ang lumabas pag ka click mo,haha!i can relate,nung bago lang ang lappie ko,nahilo ako kasi japanese namn.
ok,take your time and relax lang nang todo!
ghee
Hi sis! Naku sorry, lagi akong late! Hahahahha… Kumusta ka? Mabuti naman at nakikisama ang allergy mo. Katuwa naman dyan, 8am may mall na! Hahahaha… At walang aircon! I’m glad ok kayo ni hubby mo dyan sis…
Basta balitaan mo ko lagi ha… email and text na lang sis
Ingat dyan! Labyu, sis! Mwah!
hi ate! miss you! ok lang di ka nakakavisit. bat kaya banned ano? hehe. anyway… yan nga ang disadvantage sa china.. di lahat alam ang english.. kaya dapat ikaw mag learn sa language nila. be blessed.
i miss you ate!
musta kana?
God bless po!