Kahit saan meron

Kararating lang namin ni Tartskie sa apartment, hinahanap ko ang susi sa bag ko para buksan ang pinto nang mapansin kong wala ang cellphone ko. Argh, naiwan ko na naman sa opisina. Na naman kasi dalawang beses nang nangyari sa akin eto. Hindi rin kasi ako ma cellphone, kasama ko naman si Tartskie kaya hindi big deal sa akin ang mag abang ng text o tawag. Napatingin siya sa akin. “O, ano?” Ibig niyang sabihin kung babalikan niya sa office o ano? Malapit lang naman ang opisina wala kasing traffic dito pwede na sa kinse minutos. Ang mahirap yung kumuha ng taxi. Walang dyip dito, may bus pero may designated station lang kung saan ka pwedeng sumakay at bumaba. Kami naman hatid sundo ng company car kaya hassle kapag binalikan pa, mag aalas 6:30 na rin at siyempre gutom na kami pareho. Sabi ko sa kaniya, hayaan na at hindi naman mawawala iyon. Opo (tunog lola Tinidora), kampante akong hindi mawawala. Noong una kasing naiwan ko ang telepono ko, tumawag ako sa opisina. May mga nag oovertime pang mga chinese local. Nakausap ko si Wang Xiaoyi, tinanong ko kung may nakita siyang cellphone sa mesa ko. Medyo malayo layo siya sa table ko, at dinig ko yung malakas niyang boses, salitang intsik pero wari ko’y tinatanong niya sa area ko kung may cellphone ba sa ibabaw ng lamesa ko. Pangalan ko lang ang malinaw na naintindihan ko. Sabi niya sa akin, oo daw. So ibinilin ko na lang na ilagay sa isang drawer ko na hindi ko isinususi kasi puro lang naman mga papel ang laman niyon. Ayun na nga kinabukasan nasa drawer ko ang cellphone ko, yay!

image

Eto namang case ko sa pangalawa. Hindi na ako nag abala pang tumawag. Bahala na si batman. Kinabukasan, kung saan ko naiwan ang telepono ko ay naandun pa rin. Nakabuyangyang lang sa harap ng computer ko at alam kung sa gabi mga alas nuwebe kapag wala ng tao sa opisina ay nagroronda rin sa bawat department ang isa sa mga guwardiya para rin macheck kung walang naiwang nakabukas na mga computer o printer at sila na rin ang nagpapatay ng mga ilaw. Natutuwa ako sa kanila, mga intsik sila…at oo di ba, marami tayong mga bali balita na hindi magagandang kaugalian nila pero sa kaibuturan ko, pinupuri ko sila sa pagiging honest. Hindi naman cheap ang telepono ko at hindi rin naman sobrang kamahalan. Sakto lang, pero naikukumpara ko lang na siguro kung sa Pinas ko eto naiwan siguradong dalawang beses na akong bumili ng telepono. Kasi ultimo yata nokia 3310 ay pinagkakaintresan pa sa atin. Hindi ko naman nilalahat at alam kung meron pa ring mga ginintuang puso nating mga kababayan. Patunay lang sa mga taxi driver sa atin na sinasauli at inirereport ang mga naiwang gamit ng mga pasahero nila. So far sa nine years kong pamamalagi dito sa bansang Tsina, nabago ang dating hindi magandang imahe na umukit sa isip ko tungkol sa kanila. Mabait sila, handa kang tulungan kapag kinakailangan (hands up ako dito). Kilala sila sa pagiging kuripot, iyon ang pagkakilala ko sa kanila pero ang tutuo napaka generous nila. Sa usaping agawan ng isla sa Panatag aware din sila dito, ang sabi nila gobyerno sa gobyerno ang usapin at labas sila sa isyu.  Kaya kung meron mang mga balitang hindi maganda sa kanila tahimik lang ako, dahil alam ko at saksi ako na hindi lahat ng mga intsik ay masasama. ‘Til my next post Kachika.

 

image

Advertisements

About Nonah

Isang simpleng mamamayan. Taga sunod ng daan, katotohanan at buhay. Ang mga nilalaman ng post ko ay sariling opinyon, pananaw at paniniwala. Kung ayaw mo sa nababasa mo dito simple lamang po, huwag nang magbasa at magkomento ng nakakasakit sa kalooban. Tanggap ko ang opinyon niyo kapag tama ang pananalitang ginamit niyo. In short walang mura at below the belt words. Spread love not war. Kung inis ka, sorry hindi ako inis. Dahil... Dito sa blog ko? Chichika pa rin ako. 😉

Salamat sa oras mo, ano naman ang masasabi mo? 😄😳😅

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 19 other followers

Ako…konting ako.

Isang simpleng mamamayan. Tagasunod ng daan, katotohanan at buhay. Ang nilalaman ng post ko ay sariling opinyon, pananaw, karanasan at paniniwala. Welcome kayo magcomment o magbigay ng saloobin basta ingatan lamang po natin na hindi tayo nakakabastos at nakakapanakit ng kalooban. Kung hindi ninyo nagugustuhan ang isinusulat ko, simple lamang po pindutin lang ang 'X' button. Kung inis ka...sorry hindi ako inis. Basta dito sa blog ko....chichika pa rin ako. Spread love not war! 😊

Blog Stats

  • 12,989 hits
%d bloggers like this: