Ang sumunod

Habang binabasa ko ang nilalaman ng testimoniya, nararamdaman ko ang presensiya ng Panginoong Hesus. Nasa tabi ko lang Siya. Hindi ko siya nakikita nang pisikal pero bakit ganoon…nakikita kong nangingilid ang luha niya?  Ah sadyang makapangyarihan si God,  walang imposible sa Kanya. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko sa tindi ng kalungkutang naramdaman Niya. Dahil sa pagiging ligaw ng mga taong kanyang nilalang. Ang mga kasamaan na naghahari sa mundo. Marami ang papunta sa malawak na daan. Ang sabi ng Panginoon, makipot at makitid ang daan patungo sa Kanya at kakaunti ang nakakasumpong ng daan na iyon. Tagos sa puso. Isa na ako doon. Aminado ako…isa rin akong ligaw ang kaluluwa. Lahat tayo ay hindi malinis. Lahat tayo ay makasalanan. “No one is righteous” according to Romans 3:10  at kung sinuman ang nagsasabing siya’y malinis at walang kasalanan siya’y isang sinunggaling (1John 1:10).  Tila wala na akong nakikita sa kapaligiran ng kabahayan. Puro maputing usok lang ang nakikita ko. Tila para akong nasa alapaap. Hindi ko maaninag ang anumang kagamitan sa aking paligid. Hilam na sa luha ang mga mata ko. Nanghina ako, napaluhod at pumikit at nag usal ng panalanging sadya na lang lumabas sa aking bibig, panalanging nagmula sa puso. Humingi ako ng kapatawaran sa mga nagawa kong kasalanan. Pinagsisihan ko ang lahat ng mga nagawa ko nang hindi naayon sa Kanya.  Maliit man iyon o malaki. Nakalipas man o kasalukuyan. Tinanggap ko si Lord Jesus as my Lord and Savior. Ika nga’y kung sa giyera, sinurender ko na ang lahat lahat sa Kanya. Katahimikang nakakabingi. Nang iminulat ko ang mga mata ko, nakita ko na ang buong kabahayan! Basang basa ng luha ang damit ko sa bandang taas. Lumuwag ang dibdib ko. Gumaang ang pakiramdam ko, bakit ang saya saya ko? Ibang klaseng kasiyahan ang naramdaman ko pagkatapos ng panalangin na iyon. Pagkatapos ng walang tigil na luha. Tila gusto kong tumalon at sumayaw sa tuwa. Pakiramdam ko nabuo muli ang pagkatao ko. Nakumpleto at napunan ang matagal nang kakulangan sa puso ko. Si Lord lang pala ang kulang! Dati ko naman Siyang kilala ah. Oo, ina-aknowledge ko si Lord Jesus kahit noon pa na tangi kong Panginoon. Nagdadasal ako sa Kanya. Siya nga lang ang tangi kong hingaan ng aking mga saloobin. Noon ko pa Siya kinakausap. Gumagawa naman ako ng kabutihan at akala ko sapat na iyon. Hindi pala, kailangan ko palang ihingi ng kapatawaran ang kung ano mang kasalanang nagawa ko. Ask forgiveness, and it will be given to you. Sabi nga Niya, paano ko ibibigay ang hindi naman hinihingi? At walang sinumang tao o diyos diyosan ang makapagpatawad ng mga kasalanan natin, kundi Siya lang. Siya lang talaga mga kachika, SIYA LANG! “I Am The Way The Truth and The Life, NO one can come to The Father who is heaven except through ME” (John 14: 6) Napakalinaw, walang sinuman. Kahit pari, kahit ang papa, si Mary….si….si….ah, napakaraming diyos-diyosan ang mga tao. Mga kapwa tao lang din naman pala sila, mga taong ginawang diyos ng mga tao rin. “Thou shall not have any other gods before ME” (Exodus 20:2-3) Tumataginting ang mga kautusang eto ng Panginoon!  “You shall not make for yourselves a carved image or any likeness of anything that is in heaven above or that is on earth beneath or that is in water below” ~Deuteronomy 16:22  ” You shall not bow down to them or serve them, for I, The Lord your God, Am a jealous God,… (Exodus 20:4) Napakarami akong nilabag sa kautusan ng Diyos. Iilan lamang pala ito sa mga dapat ko pang malaman. Akala ko eto na yun, akala ko eto lang ang mga nilabag ko sa turo at kautusan ng Panginoon.

Recap lang kung paano ako inalalayan ng Panginoon sa mga bagay bagay na dapat kong malaman. Hindi kasi ako nagbabasa ng bibliya, wala ako niyon. Wala akong alam na mga verses. Wala akong panahon magbasa niyon, puro lifestyle magazine ang hilig kong basahin. Basta ang alam ko SIYA lang ang Diyos ko, sa Kanya lang ako nagdadasal. Mabait ako….at gumagawa naman ako ng kabutihan. Iyon ang akala ko pero marami pa pala.

Eksaktong petsa, Mayo 24, 2010 .

Naaninag ko na ang munting liwanag na tumatagos sa kurtina ng kuwarto namin ni Tartskie. Idinilat ko na ang mga mata ko. Kinuha ko ang alarm clock sa lamesita sa tabi ng kama. Alas singko pa lang. Kaya pala hindi ko narinig na nag alarm, alas 6:00 kami bumabangon para mag ayos papasok sa trabaho.  Tulog na tulog pa si Tartskie. Nahiga na lang ulit ako, hindi para matulog kundi mag iinin lang sa higaan. Nakahiga ako, may hulma akong nakita hanggat sa luminaw eto. Ang Panginoong Hesus! Hindi ko maaninag ang mukha niya. Tanging ang mga mata lang niya ang nakikita ko.  Nakasuot ng robang puti, hanggang balikat ang buhok. Alam kong nakatitig siya sa akin, may sinasabi siya. Walang lumabas na boses pero naririnig ko sa isip ang sinasabi niya. “TRUTH HAS YET TO REVEAL, NONAH”  May nakikita akong kataga sa bandang itaas niya DEUTERONOMY? Napakabilis lang ng mga sandaling iyon. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang mga oras na iyon. Walang bahid ng takot, pero hindi ko maipaliwanag. Deuteronomy? Ano iyon? Ano ang truth na sinasabi ni Lord? Nonah! Kilala ako ni Lord! Tinawag niya pangalan ko? Doon na tumulo ang luha ko, pakiramdam ko isa lang akong alikabok sa lupa pero napansin ako ni Lord? Kilala niya ako? Hala walang tigil na ang luha ko, iyak na nga yata kasi nagising si tartskie. Tinanong niya ako kung bakit ako umiiyak. Sinabi ko sa kanya. Hindi siya nagulat pero tahimik siya. Medyo tulala pero bakas sa mukha niya ang saya. Saksi siya sa mga pangyayaring naganap sa akin.

Mahaba haba na eto, gusto niyo pa bang magbasa? Bored na ba kayo? Pero sige, kahit na….ituloy ko na lang eto.

Agad kong binuksan ang Ipad ko at nag search ako ng katagang Deuteronomy. Ayun, isa pala siyang chapter sa bible. Akala ko tungkol siya sa science. Tunog Astronomy, Botany, Autonomy kasi. Anong gagawin ko? Wala akong mabiling bibliya dito sa parte ng Tsina kung saan kami naroroon. Meron siguro pero ang hirap, dudugo na naman ang ilong ko sa pag eesplika kung ano ang hinahanap ko. Bibihira pa naman ang matatas magsalita ng english dito.

Tamang tama, babakasyon ako ng June. Makakabili na ako ng bible sa National bookstore.

Itutuloy… Susunod na agad ang kasunod.

 

Advertisements

Ang simula

Uuy kumusta kayo? Oo nga pala salamat ng marami sa pagfollow niyo dito sa blog ko, alam niyo na kung sino kayo. From the bottom of my heart…thank you! Kung meron kayong blogsite pakiiwan na lang ng link sa comment nang sa ganun mabisita ko naman kayo.

Medyo natagalan ang follow up ko, lately kasi nakakatamad talagang kumilos. Winter na naman, sa ginaw ng panahon ang sarap lagi matulog at kumain. At nakakatamad din lumabas, kung pwede nga lang.

image

Karamihan ngayon abalang abala sa nalalapit na kapaskuhan. Shopping, parties…family reunion, pagbabalot ng mga regalo para sa mga loveones, inaanak, kamag anak etc. sa mga lulutuin at ihahandang mga pagkain. Ako heto, less stress..no chaos.  Iyon ang isang advantage when you are out of this world. Sabi nga ni God sa bibliya, John 8:32  “And you shall know the truth, and the truth shall make you free.”

nasumpungan ko iyon, iba ang pakiramdam….tahimik, happiness, contentment…basta! Everytime naaalala ko ang ginawa sa akin ni Lord hanggang ngayon naiiyak pa rin ako. Sa kaligayahan at sobrang pasasalamat sa KANYA.

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang karanasan ko kung bakit at paano ko natagpuan ang matagal nang missing part sa heart ko. Noon may void akong naramdaman, pero hindi ko alam kung ano iyon. Mahilig ako mag shopping noon, tutuo…mahilig ako sa branded. Nabibili ko naman lahat ng gusto ko, hindi sa pagmamayabang. May Engineering business kami noon sa Malaysia, mabilis ang pasok ng pera pero lahat ng iyon feeling ko walang halaga. Kapag nabili ko na ang isang bagay, titigan ko lang, wala akong ganang gamitin at pansamantala lang ang saya na naramdaman ko. May kulang…ano? Hindi ko rin alam.

Isang umaga iyon. Spring 2010, buwan ng abril. Nakaupo ako sa bintana, ang paborito kong tambayan kapag ako’y nagmumunimuni habang umiinom ng kape. Sumisibol na ang mga dahon at cherry blossoms, nagkakaroon na ng kulay ang kapaligiran hindi kagaya kapag winter, barren ang view. Brown ang mga puno at dahon. Mabuti na lang may evergreen pine tree, at least may kulay berde.

image

Maagang sinundo si tartskie papuntang airport, kailangan niyang magrenew ng passport at mas pinili niya sa Pilipinas na lang kesa sa Beijing. Apat na araw kaming walang pasok sa office pero hindi na lang ako sumama, expenses wise na rin.

Alas diyes na noon, naisipan kong magbukas ng facebook. Si Tess may pinost na naman sa timeline ko, “ang kulit” nasabi ko. Two times na siya nagpost sa timeline ko nang parehong link. Isang testimony iyon ng  batang babae about kay God. Hindi ko iyon binigyan ng pansin, ni hindi ko nga inopen ang link para basahin. This time, naisipan kong basahin…

(To be continued….)

 

 

Kahit saan meron

Kararating lang namin ni Tartskie sa apartment, hinahanap ko ang susi sa bag ko para buksan ang pinto nang mapansin kong wala ang cellphone ko. Argh, naiwan ko na naman sa opisina. Na naman kasi dalawang beses nang nangyari sa akin eto. Hindi rin kasi ako ma cellphone, kasama ko naman si Tartskie kaya hindi big deal sa akin ang mag abang ng text o tawag. Napatingin siya sa akin. “O, ano?” Ibig niyang sabihin kung babalikan niya sa office o ano? Malapit lang naman ang opisina wala kasing traffic dito pwede na sa kinse minutos. Ang mahirap yung kumuha ng taxi. Walang dyip dito, may bus pero may designated station lang kung saan ka pwedeng sumakay at bumaba. Kami naman hatid sundo ng company car kaya hassle kapag binalikan pa, mag aalas 6:30 na rin at siyempre gutom na kami pareho. Sabi ko sa kaniya, hayaan na at hindi naman mawawala iyon. Opo (tunog lola Tinidora), kampante akong hindi mawawala. Noong una kasing naiwan ko ang telepono ko, tumawag ako sa opisina. May mga nag oovertime pang mga chinese local. Nakausap ko si Wang Xiaoyi, tinanong ko kung may nakita siyang cellphone sa mesa ko. Medyo malayo layo siya sa table ko, at dinig ko yung malakas niyang boses, salitang intsik pero wari ko’y tinatanong niya sa area ko kung may cellphone ba sa ibabaw ng lamesa ko. Pangalan ko lang ang malinaw na naintindihan ko. Sabi niya sa akin, oo daw. So ibinilin ko na lang na ilagay sa isang drawer ko na hindi ko isinususi kasi puro lang naman mga papel ang laman niyon. Ayun na nga kinabukasan nasa drawer ko ang cellphone ko, yay!

image

Eto namang case ko sa pangalawa. Hindi na ako nag abala pang tumawag. Bahala na si batman. Kinabukasan, kung saan ko naiwan ang telepono ko ay naandun pa rin. Nakabuyangyang lang sa harap ng computer ko at alam kung sa gabi mga alas nuwebe kapag wala ng tao sa opisina ay nagroronda rin sa bawat department ang isa sa mga guwardiya para rin macheck kung walang naiwang nakabukas na mga computer o printer at sila na rin ang nagpapatay ng mga ilaw. Natutuwa ako sa kanila, mga intsik sila…at oo di ba, marami tayong mga bali balita na hindi magagandang kaugalian nila pero sa kaibuturan ko, pinupuri ko sila sa pagiging honest. Hindi naman cheap ang telepono ko at hindi rin naman sobrang kamahalan. Sakto lang, pero naikukumpara ko lang na siguro kung sa Pinas ko eto naiwan siguradong dalawang beses na akong bumili ng telepono. Kasi ultimo yata nokia 3310 ay pinagkakaintresan pa sa atin. Hindi ko naman nilalahat at alam kung meron pa ring mga ginintuang puso nating mga kababayan. Patunay lang sa mga taxi driver sa atin na sinasauli at inirereport ang mga naiwang gamit ng mga pasahero nila. So far sa nine years kong pamamalagi dito sa bansang Tsina, nabago ang dating hindi magandang imahe na umukit sa isip ko tungkol sa kanila. Mabait sila, handa kang tulungan kapag kinakailangan (hands up ako dito). Kilala sila sa pagiging kuripot, iyon ang pagkakilala ko sa kanila pero ang tutuo napaka generous nila. Sa usaping agawan ng isla sa Panatag aware din sila dito, ang sabi nila gobyerno sa gobyerno ang usapin at labas sila sa isyu.  Kaya kung meron mang mga balitang hindi maganda sa kanila tahimik lang ako, dahil alam ko at saksi ako na hindi lahat ng mga intsik ay masasama. ‘Til my next post Kachika.

 

image

Sa wakas!

Ni hao mah? *kaway kaway*

Sa wakas nakatuntong ulit ako sa bahay ko, namiss kong tumambay dito ah.  Mga kachika, pasensiya na kung hindi ko man lang nadalaw ang mga blog niyo o nasagot ang mga comments niyo (feeling marami? Hehe). Nagkaroon lang ng problema etong blog ko, nakipag ugnayan ako sa wordpress help center, after some verification, proofs etc etc. nanalo ako sa kaso (seryoso?), napatunayang akin nga eto. Ang kaso nga pala, inalis daw yung username ko kaya hindi ko ma-access..kung paano at kung sino ay hindi na mahalaga basta naibalik na sa akin wala nang maraming usap pa. Salamat sa iyo Daniel, sa iyong mahabang pasensiya sa mga pangungulit ko.

Maglilinis muna ako dito. Saka na ako chichika, salamat sa pagbabasa. Ingat tayo lahat, sa mga bibiyahe lalo na…alam niyo na.

Salamat naman

Oo salamat naman at walang sumpong ang browser ngayon that’s why I am updating now. Kumusta blog ko?  Matagal tagal na panahon na rin tayong nagkakasama. Kasabay ng  aking three years in the making dito sa bansang tsekwa! Wow, parang kailan lang akalain mo iyon?  I never intend or expect that I would stay here this far and long. Language barrier ang main problem ko noon, ang hirap makikipagcommunicate dahil hindi naman sila nag-eenglish dito, sa office okay lang at least may mga mangilan ngilan na nakakapagsalita noon, ang mahirap yung outside the workspace na. Ultimong pag order lang ng mami ay hindi pa kami magkaintindihan. But those were the days….noong bago pa lang ako dito, so far ngayon nakapag adjust na totally.  Wala naman akong naging problema sa work, sa mga friends and sa accommodations and all,  oo nga naman tatagal ba ako dito kung hindi okay? Mas okay nga ang life dito kesa sa atin sa PH. Sad to say but  I have to say it.  Sa sitwasyon ng pamumuhay at kaguluhan sa atin, mahal ang bilihin, holdapan dito holdapan doon…patayan…kaliwaan pati kaliwaan hehehe.  Napansin ko kasi sa mga mamamayan dito sa parte ng lugar na kinaroroonan ko; masunurin ang mga tao sa patakaran ng gobyerno nila.  kahit sa isang simpleng patakaran lang…sumusunod talaga sila which is not bad.  Hindi ko naman sinasabi na walang pasaway dito, kahit saan naman siguro meron.

O siya nobela ba eto? Sa susunod naman ang iba para naman may maipost ako next time.  Babush!

Buhay pa pala ako?

Heto nga ako buhay na buhay, still kicking! Whew…akala ko na-delete ko na ang site na eto. Pasensiya na bloggie, sa dami niyo napabayaan na kita. Grabe, couldn’t believe it. Ilang siglo na ba ang dumaan ng huli akong nakapag-update dito?  Gustuhin ko man na laging bumisita dito eh hindi nangyayari. Paano, may sumpong ang browser dito. Etong WP site lulubog lilitaw na parang palitaw. Masuwerte lang ako ngayon at may himala, naopen ko siya dito. Hello po! Ayun wala na yata akong reader dito…nandoon na sila lahat sa kabila. O siya…babalik na lang ako dito. Promise. Basta ba makisama lang ang browser walang problema. Bye for the meantime, ingatz.

What’s up????

What happened to our akoni site?  Biglang naglaho na parang bula. 😦

Sana maayos na siya kung hindi magkakasakit akoooo! For the meantime dito na muna uli ako…sigh, I’m sorry guys pati tuloy kayo nalilito na kung saan ba talaga ako?

So how was your holiday? I’m sure ang ilan sa atin meron pang aftershock. Like me, I’m so bitin! Kulang ang days kaya I gave my best time for my family. Until now, hindi pa kami nagkita ni sis besides, daming inaayos whew! But I’m sure naintindihan naman ako ni dear sister sashing. siyanga sis??? 😀

I’m  too tired today.  Just arrived from Pampanga, may inasikasong mahalagang bagay. Talk to you later kaibigan, need to rest.  See you *kaway*

Lazy Tuesday

Hi there! do you miss me? pagkagising ko kanina…sabi ko sa sarili ko “yehey, no work! makakapunta ako sa internet cafe”. Hay, ang babaw ‘no?  Holiday dito ng 1 week since yesterday oct. 1 China is celebrating their National day,  Kaya fire crackers dito, fire crackers doon takot pa naman ako sa paputok. Sobrang lamig na dito hindi yata ako sanay, mabuti na lang nakikisama ang allergy ko (sa lamig) at hindi umaatake. Dati konting lamig lang namamantal na ako.

6:41 am pa lang nasa kalye na kami ni hub we took our breakfast at KFC, malls are just 10 minutes away from our place 8:00 am open na ang mga deoartment stores dito. Ini-encourage ng government ang pagtitipid sa electricity kaya maagang nagbubukas at maagang nagsasara, isang paraan din sa global warming, no aircon sa loob ng mga dept. stores. Okay lang dahil napakalamig ng klima sa labas. Sabi ko nga, sa pinas kung gusto mong magpalamig during summer punta tayo ng mall, dito naman if you want to keep warm punta tayo ng mall haha! 

Noong bagong dating ako dito sobrang ingat ako kasi marami akong nabalitaang hindi maganda about China, yung mga products nila, foods etc. kaya natuwa rin ako dahil on the contrary ang napuntahan kong place, people lived here with a healthy lifestyle. Medyo may pagka laidback at conservative pa ang mga locals dito sa Shandong. 

Sayang, di ako makapagpost ng pics kasi wala pa akong PC sa bahay, “internet explorer” lang ang nakikita kong english word sa mga computers dito sa internet cafe 😦  iyon lang ang problema dito kakaunti lang ang nakakaintindi at nakakapagsalita ng english kaya no choice kailangan matuto akong magsalita ng mandarin. meron na akong alam “ko-sing gawlu”

That’s all folks! mabilisan lang…just want to keep you posted, para hindi niyo naman ako makalimutan. 

Happy Tuesday!

(Again..I am so sorry I can’t get in to blogspot banned ‘ata dito. Anyway dito ko na lang kayo batiin MARI, TINA, IDEALPINK, DANGKIN…Hi! and to the rest of my blogfriends @ blogspot.)

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 19 other followers

Ako…konting ako.

Isang simpleng mamamayan. Tagasunod ng daan, katotohanan at buhay. Ang nilalaman ng post ko ay sariling opinyon, pananaw, karanasan at paniniwala. Welcome kayo magcomment o magbigay ng saloobin basta ingatan lamang po natin na hindi tayo nakakabastos at nakakapanakit ng kalooban. Kung hindi ninyo nagugustuhan ang isinusulat ko, simple lamang po pindutin lang ang 'X' button. Kung inis ka...sorry hindi ako inis. Basta dito sa blog ko....chichika pa rin ako. Spread love not war! 😊

Blog Stats

  • 12,843 hits