Ang simula

Uuy kumusta kayo? Oo nga pala salamat ng marami sa pagfollow niyo dito sa blog ko, alam niyo na kung sino kayo. From the bottom of my heart…thank you! Kung meron kayong blogsite pakiiwan na lang ng link sa comment nang sa ganun mabisita ko naman kayo.

Medyo natagalan ang follow up ko, lately kasi nakakatamad talagang kumilos. Winter na naman, sa ginaw ng panahon ang sarap lagi matulog at kumain. At nakakatamad din lumabas, kung pwede nga lang.

image

Karamihan ngayon abalang abala sa nalalapit na kapaskuhan. Shopping, parties…family reunion, pagbabalot ng mga regalo para sa mga loveones, inaanak, kamag anak etc. sa mga lulutuin at ihahandang mga pagkain. Ako heto, less stress..no chaos.  Iyon ang isang advantage when you are out of this world. Sabi nga ni God sa bibliya, John 8:32  “And you shall know the truth, and the truth shall make you free.”

nasumpungan ko iyon, iba ang pakiramdam….tahimik, happiness, contentment…basta! Everytime naaalala ko ang ginawa sa akin ni Lord hanggang ngayon naiiyak pa rin ako. Sa kaligayahan at sobrang pasasalamat sa KANYA.

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang karanasan ko kung bakit at paano ko natagpuan ang matagal nang missing part sa heart ko. Noon may void akong naramdaman, pero hindi ko alam kung ano iyon. Mahilig ako mag shopping noon, tutuo…mahilig ako sa branded. Nabibili ko naman lahat ng gusto ko, hindi sa pagmamayabang. May Engineering business kami noon sa Malaysia, mabilis ang pasok ng pera pero lahat ng iyon feeling ko walang halaga. Kapag nabili ko na ang isang bagay, titigan ko lang, wala akong ganang gamitin at pansamantala lang ang saya na naramdaman ko. May kulang…ano? Hindi ko rin alam.

Isang umaga iyon. Spring 2010, buwan ng abril. Nakaupo ako sa bintana, ang paborito kong tambayan kapag ako’y nagmumunimuni habang umiinom ng kape. Sumisibol na ang mga dahon at cherry blossoms, nagkakaroon na ng kulay ang kapaligiran hindi kagaya kapag winter, barren ang view. Brown ang mga puno at dahon. Mabuti na lang may evergreen pine tree, at least may kulay berde.

image

Maagang sinundo si tartskie papuntang airport, kailangan niyang magrenew ng passport at mas pinili niya sa Pilipinas na lang kesa sa Beijing. Apat na araw kaming walang pasok sa office pero hindi na lang ako sumama, expenses wise na rin.

Alas diyes na noon, naisipan kong magbukas ng facebook. Si Tess may pinost na naman sa timeline ko, “ang kulit” nasabi ko. Two times na siya nagpost sa timeline ko nang parehong link. Isang testimony iyon ng  batang babae about kay God. Hindi ko iyon binigyan ng pansin, ni hindi ko nga inopen ang link para basahin. This time, naisipan kong basahin…

(To be continued….)

 

 

Advertisements

Undas sa Pinas

Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang ang valentines ah undas na naman?  Kasunod ng undas siyempre pasko at bagong taon na . Hay, another year…another year of age. Haha!  Okay lang promise, as the saying goes as we get older we get better parang wine, mas sumasarap at mas nag-iimprove ang quality habang tumatagal. O siya, pinalulubag ko lang kalooban ko hehe.

Balik tayo sa undas, nakikinita ko na naman ang di magkamayaw na mga tao sa paggunita ng kanilang mga mahal sa buhay although maraming taon na rin na hindi ako nakakapag-undas sa Pinas. Still, nasa sistema na nating mga pinoys kung paano natin binibigyang halaga ang araw na ito. Kung kailan ginugunita natin ang ating mga yumaong mahal sa buhay, kung saan nagtitipon ang mga kamag-anak na sa araw lamang na ito nagkakaroon ng chance na magkita. Pinagsasaluhan ang mga baong pagkain. Nag aalay tayo ng bulaklak at nagtitirik ng kandila kasabay ng panalangin.  Ang hindi matapos tapos na kuwentuhan. Namimiss ko tuloy ang Pinas *sniff* 

Kaninang umaga paggising ko, nag alay na ako ng panalangin para sa aking Itay, Inay, Kuya at kay bunsong kapatid.  Humingi ako ng dispensa na hindi ko na naman sila madadalaw at alam ko na naiintindihan nila ako. Pero sabi ko, huwag na nila akong dalawin dahil okay lang ako dito lol! Mamayang gabi na ako magtitirik ng kandila pagdating ko galing ng work. Kahit wala man ako sa Pinas at least sa aking munting paraan ay hindi ko sila nakakalimutan. Love you guys.

Kasalanan ni Juan

Habang pinapanood ko ang hostage taking sa tv na naganap sa Quirino Grand stand sa luneta noong Agosto 23,  panay ang usal ko ng dasal. Sana magtapos sa tahimik at matiwasay ang negosasyon, sana walang masaktan. 

Hindi ko alam kung ako ay tama, at kung mali naman okay, pasensiya na tao lang po.  Napansin ko kasi parang wala namang seryosong negosasyon na nangyayari, tanging si Vice mayor Isko Moreno lang ang gumawa ng effort na kausapin ang hostage taker na si Mendoza; nasaan na ang mga bida noong halalan? Marami sila noon, nasaan na si Pedro at si Juan? Idagdag mo na si Juana at Petra. Mga magaling at  a-tapang- a -tao na handang damayan ang bayan ni Juan?  Kaso ni isa sa mga anino nila ay wala akong nasilayan! Oo alam natin, hindi nila trabaho iyon at meron tayong mga kapulisan na siyang authorized sa pagresolba ng mga krisis kagaya ng hostage taking. Pero maano na yung isa man lang sa kanila ay nag pakitang tao man lang?  Huh! Ako’y sobrang nalungkot at naiyak sa pagtatapos ng hostage drama na iyon…okay,  sabihin ko na… naiyak at panay ang mura ko sa  gobyerno natin.  Anong nangyari? Bakit ganoon ang nangyari? Hanggang doon na lang? Pak! Tapos na patay na si Mendoza, marami nang patay na mga turista. Sa mga oras na iyon, wish ko ako si darna lilipad ako papunta sa pinangyarihan at tutulong  ako sa naganap na hostage taking  kaso wala akong malulon na bato na kagaya ng kay Narda. Kakainis, kakalungkot, nakakahiya ang Pilipinas! Di bale sikat naman tayo, sikat sa iba’t ibang bansa,  pinag-uusapan kasi nga sikat! Sikat sa kapalpakan. 

Ngayon, kaliwa’t kanan ang sisihan…kasalanan kasi ni Juan. Kasalanan ni Pedro. Diyan tayo magaling sa pagtuturo kung sino ang sino. Hay inay kupo, ilan pa kayang ganitong pangyayari para magising ang kinauukulan? Sana wala nang buhay ang magbubuwis dahil sa ganitong pangyayari.  Kainin na lang muna natin ang mga mura at masasakit na salita ng mga namatayang bansa. So far, andito ako sa parte ng bansang Tsina…although broad minded naman ang mga tao dito at wala akong naramdamang pag aalipusta at takot.

Larawang nakakadagdag ng kahihiyan

 

Wow, tamis ng mga ngiti. Sige smile pa mga ineng.

Ayan, sikat kayo sa diyaryo dito at balita sa radyo.

Minsang lulan ako ng taxi dahil sa aking barok na pagsasalita ng Mandarin, natuwa ang drayber at tinanong kung taga saan ako. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa Quirino grandstand. Narinig ko ang sarili ko na sumagot ng “Malaysia”.

Proud ako maging isang pilipino pero sa puntong ito….nahihiya ako. Batuhin niyo na ako eh sa iyon ang nararamdaman ko.

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 19 other followers

Ako…konting ako.

Isang simpleng mamamayan. Tagasunod ng daan, katotohanan at buhay. Ang nilalaman ng post ko ay sariling opinyon, pananaw, karanasan at paniniwala. Welcome kayo magcomment o magbigay ng saloobin basta ingatan lamang po natin na hindi tayo nakakabastos at nakakapanakit ng kalooban. Kung hindi ninyo nagugustuhan ang isinusulat ko, simple lamang po pindutin lang ang 'X' button. Kung inis ka...sorry hindi ako inis. Basta dito sa blog ko....chichika pa rin ako. Spread love not war! 😊

Blog Stats

  • 12,989 hits