Ang bibliya sa kisame

Matapos kong ayusin ang mga dapat kong gawin nang nasa Pinas ako buwan ng June, naghanap kaagad ako ng bibliya sa National bookstore. Bumili ako ng isa, yung may old and new testament na NIV (New International Version)* meron din akong iseshare about this version.*

Habang nasa bahay ako, inumpisahan ko nang basahin ang tungkol sa Deuteronomy. Meron akong naintindihan at meron ding hindi. Sa tutuo lang hirap akong unawain ang mga nakasulat doon. Naisip ko kaya siguro iilan lang ang nagbabasa neto kasi ang hirap niyang intindihin. Hindi pa gaanong nagtanim sa isip at puso ko ang lahat nang nabasa ko. Sinabi ko kay Lord iyon.

Hindi na uli ako nagbasa ng bibliya. Dinala ko siya sa Tsina nang bumalik ako nang buwan ding iyon. Dinala ko pa sa opisina para doon ko na lang basahin during breaktime. Hindi ko nagawa iyon, lagi kong ipinagliliban ang pagbabasa. Lagi kong sinasabi sa sarili na next time na lang.

Month of August:

Magweweek end, nag ayos ako ng drawer ko sa office. Nakita ko ang bible na dinala ko. Hinawakan ko at balak kong iuwi sa apartment. Pero muli kong ibinalik sa drawer at nasabi ko ulit sa sarili ko na next time na lang. Kinabukasan Sabado, pinadalhan na kami ng memo kanina na may annual medical check up kami sa Yantai city hospital. Lahat ng mga managers at foreigner ng company, kasama na kami siyempre ni tartskie. Nang gabi pa lang sinabi ko na kay tartskie na hindi ako sasama sa Yantai. Matutulog na lang ako.

Kinabukasan, nagpaalam na si tartskie na aalis na siya. Maaga ang sundo ng company bus, alas singko y medya dapat nasa ibaba na. Ako naman bumalik na sa pagtulog. Nagising ako nang mga alas siyete ng umaga, ayon sa wall clock sa kwarto namin. Nanatili akong nakahiga. Nag iinin. Nakatitig ako sa kisame. Nagulat ako, ang buong kisame ay naging isang bukas na bibliya! Gumagalaw ang bawat salita! Tila may buhay. Nananaginip ba ako? Kinurot ko ang aking sarili sa tagiliran sa bandang itaas ng hita sa pag aakalang nanaginip lang ako o namamalikmata! Pero gising na gising ako, wala akong naramdamang takot kundi pilit kong binabasa sa pag aakalang marahil may gustong ibigay na mensahe ang Panginoon. Hindi ko na namalayan kong gaano katagal ang tagpong iyon. Bumangon ako at nanalangin, tinanong ko kay Lord kung ano ang nais niyang ipahiwatig sa akin.

Napakabait talaga ni Lord, matapos kong ihingi sa Kanya na bigyan ako ng sapat na pang unawa sa mga ipinakita Niya sa akin. Sinagot Niya ang panalangin ko! Basahin ko ang mga salita Niya sa bibliya.

To be continued…

Ang simula

Uuy kumusta kayo? Oo nga pala salamat ng marami sa pagfollow niyo dito sa blog ko, alam niyo na kung sino kayo. From the bottom of my heart…thank you! Kung meron kayong blogsite pakiiwan na lang ng link sa comment nang sa ganun mabisita ko naman kayo.

Medyo natagalan ang follow up ko, lately kasi nakakatamad talagang kumilos. Winter na naman, sa ginaw ng panahon ang sarap lagi matulog at kumain. At nakakatamad din lumabas, kung pwede nga lang.

image

Karamihan ngayon abalang abala sa nalalapit na kapaskuhan. Shopping, parties…family reunion, pagbabalot ng mga regalo para sa mga loveones, inaanak, kamag anak etc. sa mga lulutuin at ihahandang mga pagkain. Ako heto, less stress..no chaos.  Iyon ang isang advantage when you are out of this world. Sabi nga ni God sa bibliya, John 8:32  “And you shall know the truth, and the truth shall make you free.”

nasumpungan ko iyon, iba ang pakiramdam….tahimik, happiness, contentment…basta! Everytime naaalala ko ang ginawa sa akin ni Lord hanggang ngayon naiiyak pa rin ako. Sa kaligayahan at sobrang pasasalamat sa KANYA.

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang karanasan ko kung bakit at paano ko natagpuan ang matagal nang missing part sa heart ko. Noon may void akong naramdaman, pero hindi ko alam kung ano iyon. Mahilig ako mag shopping noon, tutuo…mahilig ako sa branded. Nabibili ko naman lahat ng gusto ko, hindi sa pagmamayabang. May Engineering business kami noon sa Malaysia, mabilis ang pasok ng pera pero lahat ng iyon feeling ko walang halaga. Kapag nabili ko na ang isang bagay, titigan ko lang, wala akong ganang gamitin at pansamantala lang ang saya na naramdaman ko. May kulang…ano? Hindi ko rin alam.

Isang umaga iyon. Spring 2010, buwan ng abril. Nakaupo ako sa bintana, ang paborito kong tambayan kapag ako’y nagmumunimuni habang umiinom ng kape. Sumisibol na ang mga dahon at cherry blossoms, nagkakaroon na ng kulay ang kapaligiran hindi kagaya kapag winter, barren ang view. Brown ang mga puno at dahon. Mabuti na lang may evergreen pine tree, at least may kulay berde.

image

Maagang sinundo si tartskie papuntang airport, kailangan niyang magrenew ng passport at mas pinili niya sa Pilipinas na lang kesa sa Beijing. Apat na araw kaming walang pasok sa office pero hindi na lang ako sumama, expenses wise na rin.

Alas diyes na noon, naisipan kong magbukas ng facebook. Si Tess may pinost na naman sa timeline ko, “ang kulit” nasabi ko. Two times na siya nagpost sa timeline ko nang parehong link. Isang testimony iyon ng  batang babae about kay God. Hindi ko iyon binigyan ng pansin, ni hindi ko nga inopen ang link para basahin. This time, naisipan kong basahin…

(To be continued….)

 

 

Disyembre na!

Disyembre na nga. O kay bilis manakbo ng panahon. Ilang araw na lang malapit na matapos ang taon, kailangan magbagong bihis naman ang blog ko. Tadaa! Ayan, nagpalit anyo na nga etong virtual home ko. Eight years na rin na hindi ko man lang napalitan ang theme neto. Kung bakit? Simula 2010 ay hindi ko eto mapasok dahil sa konting problema na hindi ko na inayos hanggang sa napabayaan ko na siya. Akala tuloy ng mga kachikahan ko tuluyan na akong namaalam sa mundo ng blog, kaya ayun nagkawalaan na kami.  Kagaya nga nang naipost ko dito.

Okay, balik tugtog tayo. Lahat halos ay excited na ngayon, sa darating na pasko at bagong taon. Mga partey partey…shopping at kung anu ano pang paghahanda ng karamihan. Naalala ko pa, September pa lang, naglilista na ako ng mga inaanak at kung ano ang mga ireregalo ko. Nakalista na rin ang mga putaheng ihahanda ko sa noche buena at media noche. Bilin ko pa kay Chona, ang aking dakilang kasambahay; na ilabas na ang mga nakatagong xmas decors at kailangan nakatayo na ang xmas tree para pagdating namin ni Tartskie ay masaya at kumikinang kinang na parang mga munting bituin ang mga lightings neto.

That was four years ago. *Hingang malalim* muna ako. Oo, apat na taon nang hindi kami nagse-celebrate ng tradisyon na eto. Ako at ang pamilya ko. Mahabang kuwento kung bakit at paano. Kapag eto ay aking ibabahagi, alam kung marami ang hindi maniniwala sa akin, at sasalungat. Okay lang po, ikukuwento ko pa rin ang nangyari sa akin maniwala man kayo o hindi. Pero sa susunod na kabanata na po at sabi ko nga’y mahaba habang kuwento eto. Hanggang sa susunod mga Kachika!

Kahit saan meron

Kararating lang namin ni Tartskie sa apartment, hinahanap ko ang susi sa bag ko para buksan ang pinto nang mapansin kong wala ang cellphone ko. Argh, naiwan ko na naman sa opisina. Na naman kasi dalawang beses nang nangyari sa akin eto. Hindi rin kasi ako ma cellphone, kasama ko naman si Tartskie kaya hindi big deal sa akin ang mag abang ng text o tawag. Napatingin siya sa akin. “O, ano?” Ibig niyang sabihin kung babalikan niya sa office o ano? Malapit lang naman ang opisina wala kasing traffic dito pwede na sa kinse minutos. Ang mahirap yung kumuha ng taxi. Walang dyip dito, may bus pero may designated station lang kung saan ka pwedeng sumakay at bumaba. Kami naman hatid sundo ng company car kaya hassle kapag binalikan pa, mag aalas 6:30 na rin at siyempre gutom na kami pareho. Sabi ko sa kaniya, hayaan na at hindi naman mawawala iyon. Opo (tunog lola Tinidora), kampante akong hindi mawawala. Noong una kasing naiwan ko ang telepono ko, tumawag ako sa opisina. May mga nag oovertime pang mga chinese local. Nakausap ko si Wang Xiaoyi, tinanong ko kung may nakita siyang cellphone sa mesa ko. Medyo malayo layo siya sa table ko, at dinig ko yung malakas niyang boses, salitang intsik pero wari ko’y tinatanong niya sa area ko kung may cellphone ba sa ibabaw ng lamesa ko. Pangalan ko lang ang malinaw na naintindihan ko. Sabi niya sa akin, oo daw. So ibinilin ko na lang na ilagay sa isang drawer ko na hindi ko isinususi kasi puro lang naman mga papel ang laman niyon. Ayun na nga kinabukasan nasa drawer ko ang cellphone ko, yay!

image

Eto namang case ko sa pangalawa. Hindi na ako nag abala pang tumawag. Bahala na si batman. Kinabukasan, kung saan ko naiwan ang telepono ko ay naandun pa rin. Nakabuyangyang lang sa harap ng computer ko at alam kung sa gabi mga alas nuwebe kapag wala ng tao sa opisina ay nagroronda rin sa bawat department ang isa sa mga guwardiya para rin macheck kung walang naiwang nakabukas na mga computer o printer at sila na rin ang nagpapatay ng mga ilaw. Natutuwa ako sa kanila, mga intsik sila…at oo di ba, marami tayong mga bali balita na hindi magagandang kaugalian nila pero sa kaibuturan ko, pinupuri ko sila sa pagiging honest. Hindi naman cheap ang telepono ko at hindi rin naman sobrang kamahalan. Sakto lang, pero naikukumpara ko lang na siguro kung sa Pinas ko eto naiwan siguradong dalawang beses na akong bumili ng telepono. Kasi ultimo yata nokia 3310 ay pinagkakaintresan pa sa atin. Hindi ko naman nilalahat at alam kung meron pa ring mga ginintuang puso nating mga kababayan. Patunay lang sa mga taxi driver sa atin na sinasauli at inirereport ang mga naiwang gamit ng mga pasahero nila. So far sa nine years kong pamamalagi dito sa bansang Tsina, nabago ang dating hindi magandang imahe na umukit sa isip ko tungkol sa kanila. Mabait sila, handa kang tulungan kapag kinakailangan (hands up ako dito). Kilala sila sa pagiging kuripot, iyon ang pagkakilala ko sa kanila pero ang tutuo napaka generous nila. Sa usaping agawan ng isla sa Panatag aware din sila dito, ang sabi nila gobyerno sa gobyerno ang usapin at labas sila sa isyu.  Kaya kung meron mang mga balitang hindi maganda sa kanila tahimik lang ako, dahil alam ko at saksi ako na hindi lahat ng mga intsik ay masasama. ‘Til my next post Kachika.

 

image

Sana alam mo

Sana alam mo na ginagawa mo.

Sana marealize mo na para sa future mo ang paghahandang pinapagawa ko sa iyo. Ikaw ang makikinabang niyan pati magiging family mo. Sana matutunan mo na kung saan ang tamang way papunta doon, kung alam mong baku bako ang daan na nilalakaran mo pwede mo namang iwasan yun nang sa ganun hindi ka natatapilok.  Ikaw lang ang makakagawa niyon, walang bubuhat sa iyo para marating mo ang pupuntahan mo, may sarili kang mga paa, matibay, malakas kaya alam kong kaya mo. Nakikita mo naman kung paano kita tinutulungan di ba? Hangga’t sa makakaya ko….tutulungan kita. Pero sana tulungan mo rin ang sarili mo. Huwag ka magpapatalo sa sakit na iyan, it’s only in the mind.  I’ll always be here for you. Basta huwag kang sumuko. Wish you well, goodluck and God bless you. Kaya mo iyan girl!

Kasalanan ni Juan

Habang pinapanood ko ang hostage taking sa tv na naganap sa Quirino Grand stand sa luneta noong Agosto 23,  panay ang usal ko ng dasal. Sana magtapos sa tahimik at matiwasay ang negosasyon, sana walang masaktan. 

Hindi ko alam kung ako ay tama, at kung mali naman okay, pasensiya na tao lang po.  Napansin ko kasi parang wala namang seryosong negosasyon na nangyayari, tanging si Vice mayor Isko Moreno lang ang gumawa ng effort na kausapin ang hostage taker na si Mendoza; nasaan na ang mga bida noong halalan? Marami sila noon, nasaan na si Pedro at si Juan? Idagdag mo na si Juana at Petra. Mga magaling at  a-tapang- a -tao na handang damayan ang bayan ni Juan?  Kaso ni isa sa mga anino nila ay wala akong nasilayan! Oo alam natin, hindi nila trabaho iyon at meron tayong mga kapulisan na siyang authorized sa pagresolba ng mga krisis kagaya ng hostage taking. Pero maano na yung isa man lang sa kanila ay nag pakitang tao man lang?  Huh! Ako’y sobrang nalungkot at naiyak sa pagtatapos ng hostage drama na iyon…okay,  sabihin ko na… naiyak at panay ang mura ko sa  gobyerno natin.  Anong nangyari? Bakit ganoon ang nangyari? Hanggang doon na lang? Pak! Tapos na patay na si Mendoza, marami nang patay na mga turista. Sa mga oras na iyon, wish ko ako si darna lilipad ako papunta sa pinangyarihan at tutulong  ako sa naganap na hostage taking  kaso wala akong malulon na bato na kagaya ng kay Narda. Kakainis, kakalungkot, nakakahiya ang Pilipinas! Di bale sikat naman tayo, sikat sa iba’t ibang bansa,  pinag-uusapan kasi nga sikat! Sikat sa kapalpakan. 

Ngayon, kaliwa’t kanan ang sisihan…kasalanan kasi ni Juan. Kasalanan ni Pedro. Diyan tayo magaling sa pagtuturo kung sino ang sino. Hay inay kupo, ilan pa kayang ganitong pangyayari para magising ang kinauukulan? Sana wala nang buhay ang magbubuwis dahil sa ganitong pangyayari.  Kainin na lang muna natin ang mga mura at masasakit na salita ng mga namatayang bansa. So far, andito ako sa parte ng bansang Tsina…although broad minded naman ang mga tao dito at wala akong naramdamang pag aalipusta at takot.

Larawang nakakadagdag ng kahihiyan

 

Wow, tamis ng mga ngiti. Sige smile pa mga ineng.

Ayan, sikat kayo sa diyaryo dito at balita sa radyo.

Minsang lulan ako ng taxi dahil sa aking barok na pagsasalita ng Mandarin, natuwa ang drayber at tinanong kung taga saan ako. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa Quirino grandstand. Narinig ko ang sarili ko na sumagot ng “Malaysia”.

Proud ako maging isang pilipino pero sa puntong ito….nahihiya ako. Batuhin niyo na ako eh sa iyon ang nararamdaman ko.

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 18 other followers

Ako…konting ako.

Isang simpleng mamamayan. Tagasunod ng daan, katotohanan at buhay. Ang nilalaman ng post ko ay sariling opinyon, pananaw, karanasan at paniniwala. Welcome kayo magcomment o magbigay ng saloobin basta ingatan lamang po natin na hindi tayo nakakabastos at nakakapanakit ng kalooban. Kung hindi ninyo nagugustuhan ang isinusulat ko, simple lamang po pindutin lang ang 'X' button. Kung inis ka...sorry hindi ako inis. Basta dito sa blog ko....chichika pa rin ako. Spread love not war! 😊

Blog Stats

  • 12,643 hits