Undas sa Pinas

Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang ang valentines ah undas na naman?  Kasunod ng undas siyempre pasko at bagong taon na . Hay, another year…another year of age. Haha!  Okay lang promise, as the saying goes as we get older we get better parang wine, mas sumasarap at mas nag-iimprove ang quality habang tumatagal. O siya, pinalulubag ko lang kalooban ko hehe.

Balik tayo sa undas, nakikinita ko na naman ang di magkamayaw na mga tao sa paggunita ng kanilang mga mahal sa buhay although maraming taon na rin na hindi ako nakakapag-undas sa Pinas. Still, nasa sistema na nating mga pinoys kung paano natin binibigyang halaga ang araw na ito. Kung kailan ginugunita natin ang ating mga yumaong mahal sa buhay, kung saan nagtitipon ang mga kamag-anak na sa araw lamang na ito nagkakaroon ng chance na magkita. Pinagsasaluhan ang mga baong pagkain. Nag aalay tayo ng bulaklak at nagtitirik ng kandila kasabay ng panalangin.  Ang hindi matapos tapos na kuwentuhan. Namimiss ko tuloy ang Pinas *sniff* 

Kaninang umaga paggising ko, nag alay na ako ng panalangin para sa aking Itay, Inay, Kuya at kay bunsong kapatid.  Humingi ako ng dispensa na hindi ko na naman sila madadalaw at alam ko na naiintindihan nila ako. Pero sabi ko, huwag na nila akong dalawin dahil okay lang ako dito lol! Mamayang gabi na ako magtitirik ng kandila pagdating ko galing ng work. Kahit wala man ako sa Pinas at least sa aking munting paraan ay hindi ko sila nakakalimutan. Love you guys.

Advertisements

Pekpek short?

Nenok from urban site

Noong nasa Maynila ako netong nakaraang buwan, nabuklat ko ang student handbook ni Joy.  Napadpad ako sa pages ng dress code. Pinasadahan ko ang listahan ng mga bawal isuot nakita ko ang “pekpek shorts”.  Huh?? Pekpek short talaga? Hindi sa hindi ko alam ang pekpek short, medyo nasurprise lang ako. Full english kasi ang handbook at matuk… isa sa top 10 uni ng Pilipinas ang school.  Natawa ako, kasi naisip ko kung eenglishin nga naman, ano na ang kalalabasan? Vagina shorts? Mas masagwa di ba? Okay na yung pekpek,  tutal tayong mga pinoy naman ang nagkakaintindihan. Kapag may foreigner na magtanong, aba’y bahala ka na sa pag esplika.  Ang mahirap kapag gumawa sila ng male counterpart na shorts?  Ano ang itatawag natin? Hala sige, paganahin ang isip hehe.

Bitin man masaya pa rin

Ako ay nagbalik, at muli kang nasilayan…hindi ako naglalalim-laliman (may words bang ganito?) I’m just singing a line  from a song. I forgot the title at ang kumanta, basta pumasok lang siya sa isip ko.  Pero siyempre kaya siya nag-enter sa mind ko dahil nga heto ako’y bumalik na naman at again, nakita ko na naman ang blog kong ito.  Dito sa blog ko siyempre chi-chika pa rin ako. Anyway, blog ko naman eto kaya free naman akong magluka-lukahan dito.

I just came back from PH,  as usual bitin na naman ako. Lagi naman yatang ganoon, palaging kulang ang araw ko everytime na umuuwi ako sa Pinas. Doon kasi parang sinisilihan ako, always on-the-go ika nga. Busy ba. Feeling ko nga ang bilis ng oras at araw doon. Kabaligtaran naman ang sinasabi ng friend ko na nasa amerika, mabilis daw ang oras doon lalo na kapag nasa work sila or kahit sa bahay. Lahat daw ay nagra-rush. Ni hindi na nga raw sila nagkakatagpo ng asawa niyang panggabi ang work. (Huwag mag-isip ng marumi, waiter kasi sa isang 24 hours resto ang asawa ng friend ko) So kung iisipin kong mabuti, mas masarap pa rin ang life ko dito sa bansang tsina. Pabandying bandying sa office, pahila-hilata  habang nanunood ng TV patrol at 24 Oras kapag nasa apartment ako at walang pasok.  Lahat ng palabas sa Pinas ay napapanood namin dito, pati na ang TV maria at Untv hehehe. Balik tayo sa sa bandying and rush…oo mas love ko na ang life ko dito.  Hindi sa nagmamayabang mga ka-chika, sumusweldo ako ng dolyares ke may project or wala ang company, free accommodation, electricity, transport, water, gas at pati na lunch sa office at mataas ang respeto nila sa Pinoy dito. Ewan ko lang sa parteng HK .  So saan ka pa di ba? Hindi ko eto kikitain sa Pinas at WALANG LIBRE sa Pinas ‘no! 

Way back 3 years ago, excited akong makakita ng snow, excited akong ma-experience ang lamig at ang sinasabing four season climate. Ganoon pala kapag medyo tumagal ka na, parusa rin ang sobrang ginaw. At mahirap pala maglakad sa snow lalo na kapag patunaw na siya. Syet, naransan ko noon ang madulas, aba masakit siya huh try niyo.  Oops, noon iyon mga ka-chika,  sanay na ako ngayon at aral ko na ang dapat at di dapat. Oo naman ano, sa tatlong taon ko na pamamalagi dito kung hindi ko pa natutunan, ano ang tawag mo sa tanga? 

Sa halip nakikipaglampungan na ako sa yelo ngayon, see pictures below. O hah!

Chikadora's gump

minsan lang maging bata

O nag astang bata? 

Footprints in the snow

                                                                 Mga yapak sa yelo

your chikadora

Till my next chika!

Kasalanan ni Juan

Habang pinapanood ko ang hostage taking sa tv na naganap sa Quirino Grand stand sa luneta noong Agosto 23,  panay ang usal ko ng dasal. Sana magtapos sa tahimik at matiwasay ang negosasyon, sana walang masaktan. 

Hindi ko alam kung ako ay tama, at kung mali naman okay, pasensiya na tao lang po.  Napansin ko kasi parang wala namang seryosong negosasyon na nangyayari, tanging si Vice mayor Isko Moreno lang ang gumawa ng effort na kausapin ang hostage taker na si Mendoza; nasaan na ang mga bida noong halalan? Marami sila noon, nasaan na si Pedro at si Juan? Idagdag mo na si Juana at Petra. Mga magaling at  a-tapang- a -tao na handang damayan ang bayan ni Juan?  Kaso ni isa sa mga anino nila ay wala akong nasilayan! Oo alam natin, hindi nila trabaho iyon at meron tayong mga kapulisan na siyang authorized sa pagresolba ng mga krisis kagaya ng hostage taking. Pero maano na yung isa man lang sa kanila ay nag pakitang tao man lang?  Huh! Ako’y sobrang nalungkot at naiyak sa pagtatapos ng hostage drama na iyon…okay,  sabihin ko na… naiyak at panay ang mura ko sa  gobyerno natin.  Anong nangyari? Bakit ganoon ang nangyari? Hanggang doon na lang? Pak! Tapos na patay na si Mendoza, marami nang patay na mga turista. Sa mga oras na iyon, wish ko ako si darna lilipad ako papunta sa pinangyarihan at tutulong  ako sa naganap na hostage taking  kaso wala akong malulon na bato na kagaya ng kay Narda. Kakainis, kakalungkot, nakakahiya ang Pilipinas! Di bale sikat naman tayo, sikat sa iba’t ibang bansa,  pinag-uusapan kasi nga sikat! Sikat sa kapalpakan. 

Ngayon, kaliwa’t kanan ang sisihan…kasalanan kasi ni Juan. Kasalanan ni Pedro. Diyan tayo magaling sa pagtuturo kung sino ang sino. Hay inay kupo, ilan pa kayang ganitong pangyayari para magising ang kinauukulan? Sana wala nang buhay ang magbubuwis dahil sa ganitong pangyayari.  Kainin na lang muna natin ang mga mura at masasakit na salita ng mga namatayang bansa. So far, andito ako sa parte ng bansang Tsina…although broad minded naman ang mga tao dito at wala akong naramdamang pag aalipusta at takot.

Larawang nakakadagdag ng kahihiyan

 

Wow, tamis ng mga ngiti. Sige smile pa mga ineng.

Ayan, sikat kayo sa diyaryo dito at balita sa radyo.

Minsang lulan ako ng taxi dahil sa aking barok na pagsasalita ng Mandarin, natuwa ang drayber at tinanong kung taga saan ako. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa Quirino grandstand. Narinig ko ang sarili ko na sumagot ng “Malaysia”.

Proud ako maging isang pilipino pero sa puntong ito….nahihiya ako. Batuhin niyo na ako eh sa iyon ang nararamdaman ko.

Salamat naman

Oo salamat naman at walang sumpong ang browser ngayon that’s why I am updating now. Kumusta blog ko?  Matagal tagal na panahon na rin tayong nagkakasama. Kasabay ng  aking three years in the making dito sa bansang tsekwa! Wow, parang kailan lang akalain mo iyon?  I never intend or expect that I would stay here this far and long. Language barrier ang main problem ko noon, ang hirap makikipagcommunicate dahil hindi naman sila nag-eenglish dito, sa office okay lang at least may mga mangilan ngilan na nakakapagsalita noon, ang mahirap yung outside the workspace na. Ultimong pag order lang ng mami ay hindi pa kami magkaintindihan. But those were the days….noong bago pa lang ako dito, so far ngayon nakapag adjust na totally.  Wala naman akong naging problema sa work, sa mga friends and sa accommodations and all,  oo nga naman tatagal ba ako dito kung hindi okay? Mas okay nga ang life dito kesa sa atin sa PH. Sad to say but  I have to say it.  Sa sitwasyon ng pamumuhay at kaguluhan sa atin, mahal ang bilihin, holdapan dito holdapan doon…patayan…kaliwaan pati kaliwaan hehehe.  Napansin ko kasi sa mga mamamayan dito sa parte ng lugar na kinaroroonan ko; masunurin ang mga tao sa patakaran ng gobyerno nila.  kahit sa isang simpleng patakaran lang…sumusunod talaga sila which is not bad.  Hindi ko naman sinasabi na walang pasaway dito, kahit saan naman siguro meron.

O siya nobela ba eto? Sa susunod naman ang iba para naman may maipost ako next time.  Babush!

Buhay pa pala ako?

Heto nga ako buhay na buhay, still kicking! Whew…akala ko na-delete ko na ang site na eto. Pasensiya na bloggie, sa dami niyo napabayaan na kita. Grabe, couldn’t believe it. Ilang siglo na ba ang dumaan ng huli akong nakapag-update dito?  Gustuhin ko man na laging bumisita dito eh hindi nangyayari. Paano, may sumpong ang browser dito. Etong WP site lulubog lilitaw na parang palitaw. Masuwerte lang ako ngayon at may himala, naopen ko siya dito. Hello po! Ayun wala na yata akong reader dito…nandoon na sila lahat sa kabila. O siya…babalik na lang ako dito. Promise. Basta ba makisama lang ang browser walang problema. Bye for the meantime, ingatz.

What’s up????

What happened to our akoni site?  Biglang naglaho na parang bula. 😦

Sana maayos na siya kung hindi magkakasakit akoooo! For the meantime dito na muna uli ako…sigh, I’m sorry guys pati tuloy kayo nalilito na kung saan ba talaga ako?

So how was your holiday? I’m sure ang ilan sa atin meron pang aftershock. Like me, I’m so bitin! Kulang ang days kaya I gave my best time for my family. Until now, hindi pa kami nagkita ni sis besides, daming inaayos whew! But I’m sure naintindihan naman ako ni dear sister sashing. siyanga sis??? 😀

I’m  too tired today.  Just arrived from Pampanga, may inasikasong mahalagang bagay. Talk to you later kaibigan, need to rest.  See you *kaway*

announcement!

hello….I’m back to my akoni site. See you there! 🙂

meme…

Leaves were started falling, it’s getting colder here and darker in the afternoon. I get so excited,  it’s my first time to experience different season other than summer and..? summer and…rainy?

I bought several  autumn & winter clothing, *magastos pala*  Arg! :-0 Mabuti na lang my best blanket and coat is here…my fafa! Oops, I haven’t mention that hub’s also working with the same company as mine, magkaiba lang kaming department.

I promise to do meme from Wendy gurl and Jo,  haller! anong petsa na raw?  Haha ‘senya na po…busy lang po.

1st step: Post a short blog article that includes a photograph (or a series of photos) showing the face behind your Blog. If you already show a photo somewhere on your Site (such as in about your page), then make your post More interesting and choose a photo that’s not currently Online.

2nd step: Includes links to other people that have display a photo, Or include their photos in your post, adding a reference.

Joanne she seldom post picture of herself, taon bibilangin niyo hehe 🙂

3rd step: Tags as many others as you like to spread the meme.

The face behind this blog….

october-093.jpgoctober-094.jpgoctober-092.jpg

Whom despite of her being witty, craziness, naughtiness, kaartehan and kakikayan sometimes, (yes sometimes hehe) and besides being the loving , caring wife and a mom to her better half and kids, she can be a woman with a strong outlook in life. Hardworking especially during a demand call from her work, she could set aside glamour but attends to her work with buff. Could stay longer under the heat of the sun when required with “no-care-who-cares” attitude on how she look and smells like.

nlvfile-006.jpg

This was taken in Malaysia during one of my

usual visit and coordination @ site.Wearing the

 PPE (personnel protective equipment)nlvfile-005.jpg

I used to climb up there through that ladder.

I am looking forward to see these ladies behind their post,

so I’m tagging you Mari and Idealpinkrose ( sorry guys, whether you like it or not) kahit nakatalikod okay lang sa akin…pahabol! JOKE lang haha!.

Rule: No sketch allowed esp to Mari lol!

Saturday Heyday!

Ayan, magpasaway muna ako sa company. Tagalugin ko na ng todo para kahit maopen ng IT ang site ko bleh, wala siyang maintindihan. Nasa opisina ako ngayon at hindi ko matiis na hindi mag open ng internet, in short hindi ko kayo matiis! 🙂

May mga “tag” pa na nakatago sa baul ko from Mousey and Wendy gurl, promise mga friends gagawin ko sa susunod na post. For the meantime pagtiyagaan niyo na munang pagmasdan ang mga pictures dito, walking distance lang from our apartment-taken last two(2) months…

nlvfile-158.jpg

The Eight Immortal Statue

nlvfile-183.jpg

Hindi ko alam kung anong gusali  eto…

 nlvfile-177.jpg

The bridge over troubled water

nlvfile-168.jpg

The lady at the bridge…

nlvfile-162.jpg

yuck!…ganda ‘no?…Hindi ako, ‘yung background! 🙂

nlvfile-186.jpg

Symbolized World peace….

 nlvfile-188.jpg

The Gong is a symbol of World friendship and Peace 

It was initially cast in Indonesia in 2002.

Its diameter is 2.0 meters and weighs 108 kg.

Hanggang dito lang po muna, happy weekend to everyone!

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 19 other followers

Ako…konting ako.

Isang simpleng mamamayan. Tagasunod ng daan, katotohanan at buhay. Ang nilalaman ng post ko ay sariling opinyon, pananaw, karanasan at paniniwala. Welcome kayo magcomment o magbigay ng saloobin basta ingatan lamang po natin na hindi tayo nakakabastos at nakakapanakit ng kalooban. Kung hindi ninyo nagugustuhan ang isinusulat ko, simple lamang po pindutin lang ang 'X' button. Kung inis ka...sorry hindi ako inis. Basta dito sa blog ko....chichika pa rin ako. Spread love not war! 😊

Blog Stats

  • 12,843 hits