Ang sumunod

Habang binabasa ko ang nilalaman ng testimoniya, nararamdaman ko ang presensiya ng Panginoong Hesus. Nasa tabi ko lang Siya. Hindi ko siya nakikita nang pisikal pero bakit ganoon…nakikita kong nangingilid ang luha niya?  Ah sadyang makapangyarihan si God,  walang imposible sa Kanya. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko sa tindi ng kalungkutang naramdaman Niya. Dahil sa pagiging ligaw ng mga taong kanyang nilalang. Ang mga kasamaan na naghahari sa mundo. Marami ang papunta sa malawak na daan. Ang sabi ng Panginoon, makipot at makitid ang daan patungo sa Kanya at kakaunti ang nakakasumpong ng daan na iyon. Tagos sa puso. Isa na ako doon. Aminado ako…isa rin akong ligaw ang kaluluwa. Lahat tayo ay hindi malinis. Lahat tayo ay makasalanan. “No one is righteous” according to Romans 3:10  at kung sinuman ang nagsasabing siya’y malinis at walang kasalanan siya’y isang sinunggaling (1John 1:10).  Tila wala na akong nakikita sa kapaligiran ng kabahayan. Puro maputing usok lang ang nakikita ko. Tila para akong nasa alapaap. Hindi ko maaninag ang anumang kagamitan sa aking paligid. Hilam na sa luha ang mga mata ko. Nanghina ako, napaluhod at pumikit at nag usal ng panalanging sadya na lang lumabas sa aking bibig, panalanging nagmula sa puso. Humingi ako ng kapatawaran sa mga nagawa kong kasalanan. Pinagsisihan ko ang lahat ng mga nagawa ko nang hindi naayon sa Kanya.  Maliit man iyon o malaki. Nakalipas man o kasalukuyan. Tinanggap ko si Lord Jesus as my Lord and Savior. Ika nga’y kung sa giyera, sinurender ko na ang lahat lahat sa Kanya. Katahimikang nakakabingi. Nang iminulat ko ang mga mata ko, nakita ko na ang buong kabahayan! Basang basa ng luha ang damit ko sa bandang taas. Lumuwag ang dibdib ko. Gumaang ang pakiramdam ko, bakit ang saya saya ko? Ibang klaseng kasiyahan ang naramdaman ko pagkatapos ng panalangin na iyon. Pagkatapos ng walang tigil na luha. Tila gusto kong tumalon at sumayaw sa tuwa. Pakiramdam ko nabuo muli ang pagkatao ko. Nakumpleto at napunan ang matagal nang kakulangan sa puso ko. Si Lord lang pala ang kulang! Dati ko naman Siyang kilala ah. Oo, ina-aknowledge ko si Lord Jesus kahit noon pa na tangi kong Panginoon. Nagdadasal ako sa Kanya. Siya nga lang ang tangi kong hingaan ng aking mga saloobin. Noon ko pa Siya kinakausap. Gumagawa naman ako ng kabutihan at akala ko sapat na iyon. Hindi pala, kailangan ko palang ihingi ng kapatawaran ang kung ano mang kasalanang nagawa ko. Ask forgiveness, and it will be given to you. Sabi nga Niya, paano ko ibibigay ang hindi naman hinihingi? At walang sinumang tao o diyos diyosan ang makapagpatawad ng mga kasalanan natin, kundi Siya lang. Siya lang talaga mga kachika, SIYA LANG! “I Am The Way The Truth and The Life, NO one can come to The Father who is heaven except through ME” (John 14: 6) Napakalinaw, walang sinuman. Kahit pari, kahit ang papa, si Mary….si….si….ah, napakaraming diyos-diyosan ang mga tao. Mga kapwa tao lang din naman pala sila, mga taong ginawang diyos ng mga tao rin. “Thou shall not have any other gods before ME” (Exodus 20:2-3) Tumataginting ang mga kautusang eto ng Panginoon!  “You shall not make for yourselves a carved image or any likeness of anything that is in heaven above or that is on earth beneath or that is in water below” ~Deuteronomy 16:22  ” You shall not bow down to them or serve them, for I, The Lord your God, Am a jealous God,… (Exodus 20:4) Napakarami akong nilabag sa kautusan ng Diyos. Iilan lamang pala ito sa mga dapat ko pang malaman. Akala ko eto na yun, akala ko eto lang ang mga nilabag ko sa turo at kautusan ng Panginoon.

Recap lang kung paano ako inalalayan ng Panginoon sa mga bagay bagay na dapat kong malaman. Hindi kasi ako nagbabasa ng bibliya, wala ako niyon. Wala akong alam na mga verses. Wala akong panahon magbasa niyon, puro lifestyle magazine ang hilig kong basahin. Basta ang alam ko SIYA lang ang Diyos ko, sa Kanya lang ako nagdadasal. Mabait ako….at gumagawa naman ako ng kabutihan. Iyon ang akala ko pero marami pa pala.

Eksaktong petsa, Mayo 24, 2010 .

Naaninag ko na ang munting liwanag na tumatagos sa kurtina ng kuwarto namin ni Tartskie. Idinilat ko na ang mga mata ko. Kinuha ko ang alarm clock sa lamesita sa tabi ng kama. Alas singko pa lang. Kaya pala hindi ko narinig na nag alarm, alas 6:00 kami bumabangon para mag ayos papasok sa trabaho.  Tulog na tulog pa si Tartskie. Nahiga na lang ulit ako, hindi para matulog kundi mag iinin lang sa higaan. Nakahiga ako, may hulma akong nakita hanggat sa luminaw eto. Ang Panginoong Hesus! Hindi ko maaninag ang mukha niya. Tanging ang mga mata lang niya ang nakikita ko.  Nakasuot ng robang puti, hanggang balikat ang buhok. Alam kong nakatitig siya sa akin, may sinasabi siya. Walang lumabas na boses pero naririnig ko sa isip ang sinasabi niya. “TRUTH HAS YET TO REVEAL, NONAH”  May nakikita akong kataga sa bandang itaas niya DEUTERONOMY? Napakabilis lang ng mga sandaling iyon. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang mga oras na iyon. Walang bahid ng takot, pero hindi ko maipaliwanag. Deuteronomy? Ano iyon? Ano ang truth na sinasabi ni Lord? Nonah! Kilala ako ni Lord! Tinawag niya pangalan ko? Doon na tumulo ang luha ko, pakiramdam ko isa lang akong alikabok sa lupa pero napansin ako ni Lord? Kilala niya ako? Hala walang tigil na ang luha ko, iyak na nga yata kasi nagising si tartskie. Tinanong niya ako kung bakit ako umiiyak. Sinabi ko sa kanya. Hindi siya nagulat pero tahimik siya. Medyo tulala pero bakas sa mukha niya ang saya. Saksi siya sa mga pangyayaring naganap sa akin.

Mahaba haba na eto, gusto niyo pa bang magbasa? Bored na ba kayo? Pero sige, kahit na….ituloy ko na lang eto.

Agad kong binuksan ang Ipad ko at nag search ako ng katagang Deuteronomy. Ayun, isa pala siyang chapter sa bible. Akala ko tungkol siya sa science. Tunog Astronomy, Botany, Autonomy kasi. Anong gagawin ko? Wala akong mabiling bibliya dito sa parte ng Tsina kung saan kami naroroon. Meron siguro pero ang hirap, dudugo na naman ang ilong ko sa pag eesplika kung ano ang hinahanap ko. Bibihira pa naman ang matatas magsalita ng english dito.

Tamang tama, babakasyon ako ng June. Makakabili na ako ng bible sa National bookstore.

Itutuloy… Susunod na agad ang kasunod.

 

Ang simula

Uuy kumusta kayo? Oo nga pala salamat ng marami sa pagfollow niyo dito sa blog ko, alam niyo na kung sino kayo. From the bottom of my heart…thank you! Kung meron kayong blogsite pakiiwan na lang ng link sa comment nang sa ganun mabisita ko naman kayo.

Medyo natagalan ang follow up ko, lately kasi nakakatamad talagang kumilos. Winter na naman, sa ginaw ng panahon ang sarap lagi matulog at kumain. At nakakatamad din lumabas, kung pwede nga lang.

image

Karamihan ngayon abalang abala sa nalalapit na kapaskuhan. Shopping, parties…family reunion, pagbabalot ng mga regalo para sa mga loveones, inaanak, kamag anak etc. sa mga lulutuin at ihahandang mga pagkain. Ako heto, less stress..no chaos.  Iyon ang isang advantage when you are out of this world. Sabi nga ni God sa bibliya, John 8:32  “And you shall know the truth, and the truth shall make you free.”

nasumpungan ko iyon, iba ang pakiramdam….tahimik, happiness, contentment…basta! Everytime naaalala ko ang ginawa sa akin ni Lord hanggang ngayon naiiyak pa rin ako. Sa kaligayahan at sobrang pasasalamat sa KANYA.

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang karanasan ko kung bakit at paano ko natagpuan ang matagal nang missing part sa heart ko. Noon may void akong naramdaman, pero hindi ko alam kung ano iyon. Mahilig ako mag shopping noon, tutuo…mahilig ako sa branded. Nabibili ko naman lahat ng gusto ko, hindi sa pagmamayabang. May Engineering business kami noon sa Malaysia, mabilis ang pasok ng pera pero lahat ng iyon feeling ko walang halaga. Kapag nabili ko na ang isang bagay, titigan ko lang, wala akong ganang gamitin at pansamantala lang ang saya na naramdaman ko. May kulang…ano? Hindi ko rin alam.

Isang umaga iyon. Spring 2010, buwan ng abril. Nakaupo ako sa bintana, ang paborito kong tambayan kapag ako’y nagmumunimuni habang umiinom ng kape. Sumisibol na ang mga dahon at cherry blossoms, nagkakaroon na ng kulay ang kapaligiran hindi kagaya kapag winter, barren ang view. Brown ang mga puno at dahon. Mabuti na lang may evergreen pine tree, at least may kulay berde.

image

Maagang sinundo si tartskie papuntang airport, kailangan niyang magrenew ng passport at mas pinili niya sa Pilipinas na lang kesa sa Beijing. Apat na araw kaming walang pasok sa office pero hindi na lang ako sumama, expenses wise na rin.

Alas diyes na noon, naisipan kong magbukas ng facebook. Si Tess may pinost na naman sa timeline ko, “ang kulit” nasabi ko. Two times na siya nagpost sa timeline ko nang parehong link. Isang testimony iyon ng  batang babae about kay God. Hindi ko iyon binigyan ng pansin, ni hindi ko nga inopen ang link para basahin. This time, naisipan kong basahin…

(To be continued….)

 

 

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 18 other followers

Ako…konting ako.

Isang simpleng mamamayan. Tagasunod ng daan, katotohanan at buhay. Ang nilalaman ng post ko ay sariling opinyon, pananaw, karanasan at paniniwala. Welcome kayo magcomment o magbigay ng saloobin basta ingatan lamang po natin na hindi tayo nakakabastos at nakakapanakit ng kalooban. Kung hindi ninyo nagugustuhan ang isinusulat ko, simple lamang po pindutin lang ang 'X' button. Kung inis ka...sorry hindi ako inis. Basta dito sa blog ko....chichika pa rin ako. Spread love not war! 😊

Blog Stats

  • 12,643 hits