The truth absolute

“The word of God is living and active, sharper than any double-edged sword, it penetrates into the dividing of the soul and spirit, the joints and the marrows” ~Hebrew 4:12

The bible is the word of God. A living word of God!

Mga Kasagutan ng Panginoon sa aking prayers. During that vision and answered prayer…the Word of God literally became life to me. Yes, His Word is active. Buhay na buhay kahit sa panahong eto, sa anumang oras. Sinimulan ko uling buklatin ang bibliya. But to be honest, nahirapan pa rin akong unawain. Pero hindi naging dahilan para isantabi ko ang inuutos sa akin ni Lord. Nagdasal ako at hiningi ko sa Kanya na bigyan Niya ako ng kaalaman na maintindihan ko ang Kanyang mga salita.

Glory to God!!! Ask and it will be given to you! Wow, the Word of God literally became life to me! Pakiramdam ko lagi akong uhaw sa salita ng Diyos. There were times that I woke up in the wee hours para magbasa.

“All scripture is given by inspiration of God, and is profitable for doctrine, for reproof, for correction, for instruction in righteousness: that the man may be perfect, thoroughly furnished unto all good works.” ~ 2 Timothy 3:16-17

Pasensiya na, sobrang na excite ako habang sinusulat ko eto. Tagos sa puso ang mga salita ni Lord sa bibliya. Marami akong natutunan at nagising ako sa mahabang pag tulog. Kalayaan, yes…humulagpos ako sa kadenang nakapulupot sa aking mga kamay at paa. Mahabang panahon akong bilanggo sa mga maling turo at tradisyong ginawa ng tao.  Sa maling turo ng mga simbahan taliwas sa mga aral ng Panginoon.

Napakarami pala tayong nilalabag. Ang buong akala ko, ang daang tinatahak ko papunta sa Kanya ay tama. Hindi pala. Ang daan patungo sa Kanya ay hindi madali. Ito’y makipot. At ayun sa bibliya…kakaunti lamang ang dumadaan at nakakasumpong niyon. Nakakalungkot.

“Enter through the narrow gate. For wide is the gate and broad is the road that leads to destruction, and many enter through it. But small is the gate and narrow the road that leads to life, and only a few find it.”- Matthew 7:13-14

Advertisements

Ang bibliya sa kisame

Matapos kong ayusin ang mga dapat kong gawin nang nasa Pinas ako buwan ng June, naghanap kaagad ako ng bibliya sa National bookstore. Bumili ako ng isa, yung may old and new testament na NIV (New International Version)* meron din akong iseshare about this version.*

Habang nasa bahay ako, inumpisahan ko nang basahin ang tungkol sa Deuteronomy. Meron akong naintindihan at meron ding hindi. Sa tutuo lang hirap akong unawain ang mga nakasulat doon. Naisip ko kaya siguro iilan lang ang nagbabasa neto kasi ang hirap niyang intindihin. Hindi pa gaanong nagtanim sa isip at puso ko ang lahat nang nabasa ko. Sinabi ko kay Lord iyon.

Hindi na uli ako nagbasa ng bibliya. Dinala ko siya sa Tsina nang bumalik ako nang buwan ding iyon. Dinala ko pa sa opisina para doon ko na lang basahin during breaktime. Hindi ko nagawa iyon, lagi kong ipinagliliban ang pagbabasa. Lagi kong sinasabi sa sarili na next time na lang.

Month of August:

Magweweek end, nag ayos ako ng drawer ko sa office. Nakita ko ang bible na dinala ko. Hinawakan ko at balak kong iuwi sa apartment. Pero muli kong ibinalik sa drawer at nasabi ko ulit sa sarili ko na next time na lang. Kinabukasan Sabado, pinadalhan na kami ng memo kanina na may annual medical check up kami sa Yantai city hospital. Lahat ng mga managers at foreigner ng company, kasama na kami siyempre ni tartskie. Nang gabi pa lang sinabi ko na kay tartskie na hindi ako sasama sa Yantai. Matutulog na lang ako.

Kinabukasan, nagpaalam na si tartskie na aalis na siya. Maaga ang sundo ng company bus, alas singko y medya dapat nasa ibaba na. Ako naman bumalik na sa pagtulog. Nagising ako nang mga alas siyete ng umaga, ayon sa wall clock sa kwarto namin. Nanatili akong nakahiga. Nag iinin. Nakatitig ako sa kisame. Nagulat ako, ang buong kisame ay naging isang bukas na bibliya! Gumagalaw ang bawat salita! Tila may buhay. Nananaginip ba ako? Kinurot ko ang aking sarili sa tagiliran sa bandang itaas ng hita sa pag aakalang nanaginip lang ako o namamalikmata! Pero gising na gising ako, wala akong naramdamang takot kundi pilit kong binabasa sa pag aakalang marahil may gustong ibigay na mensahe ang Panginoon. Hindi ko na namalayan kong gaano katagal ang tagpong iyon. Bumangon ako at nanalangin, tinanong ko kay Lord kung ano ang nais niyang ipahiwatig sa akin.

Napakabait talaga ni Lord, matapos kong ihingi sa Kanya na bigyan ako ng sapat na pang unawa sa mga ipinakita Niya sa akin. Sinagot Niya ang panalangin ko! Basahin ko ang mga salita Niya sa bibliya.

To be continued…

Ang sumunod

Habang binabasa ko ang nilalaman ng testimoniya, nararamdaman ko ang presensiya ng Panginoong Hesus. Nasa tabi ko lang Siya. Hindi ko siya nakikita nang pisikal pero bakit ganoon…nakikita kong nangingilid ang luha niya?  Ah sadyang makapangyarihan si God,  walang imposible sa Kanya. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko sa tindi ng kalungkutang naramdaman Niya. Dahil sa pagiging ligaw ng mga taong kanyang nilalang. Ang mga kasamaan na naghahari sa mundo. Marami ang papunta sa malawak na daan. Ang sabi ng Panginoon, makipot at makitid ang daan patungo sa Kanya at kakaunti ang nakakasumpong ng daan na iyon. Tagos sa puso. Isa na ako doon. Aminado ako…isa rin akong ligaw ang kaluluwa. Lahat tayo ay hindi malinis. Lahat tayo ay makasalanan. “No one is righteous” according to Romans 3:10  at kung sinuman ang nagsasabing siya’y malinis at walang kasalanan siya’y isang sinunggaling (1John 1:10).  Tila wala na akong nakikita sa kapaligiran ng kabahayan. Puro maputing usok lang ang nakikita ko. Tila para akong nasa alapaap. Hindi ko maaninag ang anumang kagamitan sa aking paligid. Hilam na sa luha ang mga mata ko. Nanghina ako, napaluhod at pumikit at nag usal ng panalanging sadya na lang lumabas sa aking bibig, panalanging nagmula sa puso. Humingi ako ng kapatawaran sa mga nagawa kong kasalanan. Pinagsisihan ko ang lahat ng mga nagawa ko nang hindi naayon sa Kanya.  Maliit man iyon o malaki. Nakalipas man o kasalukuyan. Tinanggap ko si Lord Jesus as my Lord and Savior. Ika nga’y kung sa giyera, sinurender ko na ang lahat lahat sa Kanya. Katahimikang nakakabingi. Nang iminulat ko ang mga mata ko, nakita ko na ang buong kabahayan! Basang basa ng luha ang damit ko sa bandang taas. Lumuwag ang dibdib ko. Gumaang ang pakiramdam ko, bakit ang saya saya ko? Ibang klaseng kasiyahan ang naramdaman ko pagkatapos ng panalangin na iyon. Pagkatapos ng walang tigil na luha. Tila gusto kong tumalon at sumayaw sa tuwa. Pakiramdam ko nabuo muli ang pagkatao ko. Nakumpleto at napunan ang matagal nang kakulangan sa puso ko. Si Lord lang pala ang kulang! Dati ko naman Siyang kilala ah. Oo, ina-aknowledge ko si Lord Jesus kahit noon pa na tangi kong Panginoon. Nagdadasal ako sa Kanya. Siya nga lang ang tangi kong hingaan ng aking mga saloobin. Noon ko pa Siya kinakausap. Gumagawa naman ako ng kabutihan at akala ko sapat na iyon. Hindi pala, kailangan ko palang ihingi ng kapatawaran ang kung ano mang kasalanang nagawa ko. Ask forgiveness, and it will be given to you. Sabi nga Niya, paano ko ibibigay ang hindi naman hinihingi? At walang sinumang tao o diyos diyosan ang makapagpatawad ng mga kasalanan natin, kundi Siya lang. Siya lang talaga mga kachika, SIYA LANG! “I Am The Way The Truth and The Life, NO one can come to The Father who is heaven except through ME” (John 14: 6) Napakalinaw, walang sinuman. Kahit pari, kahit ang papa, si Mary….si….si….ah, napakaraming diyos-diyosan ang mga tao. Mga kapwa tao lang din naman pala sila, mga taong ginawang diyos ng mga tao rin. “Thou shall not have any other gods before ME” (Exodus 20:2-3) Tumataginting ang mga kautusang eto ng Panginoon!  “You shall not make for yourselves a carved image or any likeness of anything that is in heaven above or that is on earth beneath or that is in water below” ~Deuteronomy 16:22  ” You shall not bow down to them or serve them, for I, The Lord your God, Am a jealous God,… (Exodus 20:4) Napakarami akong nilabag sa kautusan ng Diyos. Iilan lamang pala ito sa mga dapat ko pang malaman. Akala ko eto na yun, akala ko eto lang ang mga nilabag ko sa turo at kautusan ng Panginoon.

Recap lang kung paano ako inalalayan ng Panginoon sa mga bagay bagay na dapat kong malaman. Hindi kasi ako nagbabasa ng bibliya, wala ako niyon. Wala akong alam na mga verses. Wala akong panahon magbasa niyon, puro lifestyle magazine ang hilig kong basahin. Basta ang alam ko SIYA lang ang Diyos ko, sa Kanya lang ako nagdadasal. Mabait ako….at gumagawa naman ako ng kabutihan. Iyon ang akala ko pero marami pa pala.

Eksaktong petsa, Mayo 24, 2010 .

Naaninag ko na ang munting liwanag na tumatagos sa kurtina ng kuwarto namin ni Tartskie. Idinilat ko na ang mga mata ko. Kinuha ko ang alarm clock sa lamesita sa tabi ng kama. Alas singko pa lang. Kaya pala hindi ko narinig na nag alarm, alas 6:00 kami bumabangon para mag ayos papasok sa trabaho.  Tulog na tulog pa si Tartskie. Nahiga na lang ulit ako, hindi para matulog kundi mag iinin lang sa higaan. Nakahiga ako, may hulma akong nakita hanggat sa luminaw eto. Ang Panginoong Hesus! Hindi ko maaninag ang mukha niya. Tanging ang mga mata lang niya ang nakikita ko.  Nakasuot ng robang puti, hanggang balikat ang buhok. Alam kong nakatitig siya sa akin, may sinasabi siya. Walang lumabas na boses pero naririnig ko sa isip ang sinasabi niya. “TRUTH HAS YET TO REVEAL, NONAH”  May nakikita akong kataga sa bandang itaas niya DEUTERONOMY? Napakabilis lang ng mga sandaling iyon. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang mga oras na iyon. Walang bahid ng takot, pero hindi ko maipaliwanag. Deuteronomy? Ano iyon? Ano ang truth na sinasabi ni Lord? Nonah! Kilala ako ni Lord! Tinawag niya pangalan ko? Doon na tumulo ang luha ko, pakiramdam ko isa lang akong alikabok sa lupa pero napansin ako ni Lord? Kilala niya ako? Hala walang tigil na ang luha ko, iyak na nga yata kasi nagising si tartskie. Tinanong niya ako kung bakit ako umiiyak. Sinabi ko sa kanya. Hindi siya nagulat pero tahimik siya. Medyo tulala pero bakas sa mukha niya ang saya. Saksi siya sa mga pangyayaring naganap sa akin.

Mahaba haba na eto, gusto niyo pa bang magbasa? Bored na ba kayo? Pero sige, kahit na….ituloy ko na lang eto.

Agad kong binuksan ang Ipad ko at nag search ako ng katagang Deuteronomy. Ayun, isa pala siyang chapter sa bible. Akala ko tungkol siya sa science. Tunog Astronomy, Botany, Autonomy kasi. Anong gagawin ko? Wala akong mabiling bibliya dito sa parte ng Tsina kung saan kami naroroon. Meron siguro pero ang hirap, dudugo na naman ang ilong ko sa pag eesplika kung ano ang hinahanap ko. Bibihira pa naman ang matatas magsalita ng english dito.

Tamang tama, babakasyon ako ng June. Makakabili na ako ng bible sa National bookstore.

Itutuloy… Susunod na agad ang kasunod.

 

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 19 other followers

Ako…konting ako.

Isang simpleng mamamayan. Tagasunod ng daan, katotohanan at buhay. Ang nilalaman ng post ko ay sariling opinyon, pananaw, karanasan at paniniwala. Welcome kayo magcomment o magbigay ng saloobin basta ingatan lamang po natin na hindi tayo nakakabastos at nakakapanakit ng kalooban. Kung hindi ninyo nagugustuhan ang isinusulat ko, simple lamang po pindutin lang ang 'X' button. Kung inis ka...sorry hindi ako inis. Basta dito sa blog ko....chichika pa rin ako. Spread love not war! 😊

Blog Stats

  • 12,989 hits