Agimat

Uy wow, nasa oven pa lang naaamoy ko na ang inihaw na manok. Iisang pirasong hita lang ang ang ginawa ko. Dahil mag isa lang akong kakain ngayong hapunan. Perpek with bagong lutong sinaing. Tv dinner dahil manunood ako ng 24 Oras. Hindi naman ako excited manuod ng balita, sa tutuo lang parang routine na lang na sa tuwing pagsapit ng alas sais y media, ay uupo ako sa harap ng tv at makikibalita.

Heto pa rin, ang walang kamatayang laglag bala o tanim bala.

Nakakadismaya at nakakabahala na. Ang haba na ng naisulatĀ ko tungkol sa topic na eto, pero naisipan kong huwag na lang i-publish. Baka makadagdag stress pa sa kung sino man ang makakabasa ng post ko. Habang nanunood ako, may dalawang nakitaan ng bala. Kumpirmado na anting anting ang dala nila. Matapos silang inimbistigahan ay kinumpiska yung dala nila at hinayaan nang makabiyahe. Napaisip lang ako, hindi pa ba umabot sa kanila ang balitang hulihan ng bala sa paliparan at nagdala pa rin sila? Ayon sa isa, limang taon nang nasa pitaka niya ang basyo dahil panlaban daw niya sa kulam. Opinyon ko ho eto at paniniwala….hindi ako naniniwala sa agimat. Para sa akin, it’s just a form of deception by the son of perdition. May Diyos tayo, pananampalataya, tiwala at dasal lang ay sapat na. Kung may nangyari mang maganda o nakaligtas ka sa isang hindi magandang pangyayari dahil sa nasa pitaka o bag mo ang sinasabi mong agimat, naipagkamali mo iyon na dahil diyan kaya ka nakaligtas o sinuwerte. Hindi po, mahal ka lang ng Diyos. At nabiyayaan ka. Give Him glory at hindi iyang bala na iyan. Oops, okay walang basagan ng trip sabi mo? Sabi mo nga’y kaniya kaniyang paniniwala. Eto naman ay paniniwala at opinyon ko at siyempre doon na ako sa tama. Hanggang sa muli!

image

Advertisements

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 19 other followers

Ako…konting ako.

Isang simpleng mamamayan. Tagasunod ng daan, katotohanan at buhay. Ang nilalaman ng post ko ay sariling opinyon, pananaw, karanasan at paniniwala. Welcome kayo magcomment o magbigay ng saloobin basta ingatan lamang po natin na hindi tayo nakakabastos at nakakapanakit ng kalooban. Kung hindi ninyo nagugustuhan ang isinusulat ko, simple lamang po pindutin lang ang 'X' button. Kung inis ka...sorry hindi ako inis. Basta dito sa blog ko....chichika pa rin ako. Spread love not war! šŸ˜Š

Blog Stats

  • 12,843 hits