Bitin man masaya pa rin

Ako ay nagbalik, at muli kang nasilayan…hindi ako naglalalim-laliman (may words bang ganito?) I’m just singing a line  from a song. I forgot the title at ang kumanta, basta pumasok lang siya sa isip ko.  Pero siyempre kaya siya nag-enter sa mind ko dahil nga heto ako’y bumalik na naman at again, nakita ko na naman ang blog kong ito.  Dito sa blog ko siyempre chi-chika pa rin ako. Anyway, blog ko naman eto kaya free naman akong magluka-lukahan dito.

I just came back from PH,  as usual bitin na naman ako. Lagi naman yatang ganoon, palaging kulang ang araw ko everytime na umuuwi ako sa Pinas. Doon kasi parang sinisilihan ako, always on-the-go ika nga. Busy ba. Feeling ko nga ang bilis ng oras at araw doon. Kabaligtaran naman ang sinasabi ng friend ko na nasa amerika, mabilis daw ang oras doon lalo na kapag nasa work sila or kahit sa bahay. Lahat daw ay nagra-rush. Ni hindi na nga raw sila nagkakatagpo ng asawa niyang panggabi ang work. (Huwag mag-isip ng marumi, waiter kasi sa isang 24 hours resto ang asawa ng friend ko) So kung iisipin kong mabuti, mas masarap pa rin ang life ko dito sa bansang tsina. Pabandying bandying sa office, pahila-hilata  habang nanunood ng TV patrol at 24 Oras kapag nasa apartment ako at walang pasok.  Lahat ng palabas sa Pinas ay napapanood namin dito, pati na ang TV maria at Untv hehehe. Balik tayo sa sa bandying and rush…oo mas love ko na ang life ko dito.  Hindi sa nagmamayabang mga ka-chika, sumusweldo ako ng dolyares ke may project or wala ang company, free accommodation, electricity, transport, water, gas at pati na lunch sa office at mataas ang respeto nila sa Pinoy dito. Ewan ko lang sa parteng HK .  So saan ka pa di ba? Hindi ko eto kikitain sa Pinas at WALANG LIBRE sa Pinas ‘no! 

Way back 3 years ago, excited akong makakita ng snow, excited akong ma-experience ang lamig at ang sinasabing four season climate. Ganoon pala kapag medyo tumagal ka na, parusa rin ang sobrang ginaw. At mahirap pala maglakad sa snow lalo na kapag patunaw na siya. Syet, naransan ko noon ang madulas, aba masakit siya huh try niyo.  Oops, noon iyon mga ka-chika,  sanay na ako ngayon at aral ko na ang dapat at di dapat. Oo naman ano, sa tatlong taon ko na pamamalagi dito kung hindi ko pa natutunan, ano ang tawag mo sa tanga? 

Sa halip nakikipaglampungan na ako sa yelo ngayon, see pictures below. O hah!

Chikadora's gump

minsan lang maging bata

O nag astang bata? 

Footprints in the snow

                                                                 Mga yapak sa yelo

your chikadora

Till my next chika!

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 20 other subscribers

Ako…konting ako.

Isang simpleng mamamayan. Tagasunod ng daan, katotohanan at buhay. Ang nilalaman ng post ko ay sariling opinyon, pananaw, karanasan at paniniwala. Welcome kayo magcomment o magbigay ng saloobin basta ingatan lamang po natin na hindi tayo nakakabastos at nakakapanakit ng kalooban. Kung hindi ninyo nagugustuhan ang isinusulat ko, simple lamang po pindutin lang ang 'X' button. Kung inis ka...sorry hindi ako inis. Basta dito sa blog ko....chichika pa rin ako. Spread love not war! 😊

Blog Stats

  • 14,883 hits