Si Marikyat

Ang ganda ng gising niya, kahit pagod at masakit katawan niya. Gusto na naman sana niyang manahimik huwag na lang magsalita ng kahit ano sa pag aalalang mabara na naman siya, pero kailangan niya ng ice breaker. Kasi naman siya, ayan kay aga aga, nakatikim ka na naman ng pambara.

Nagmukmok na naman si Marikyat, kaya kinausap ko na naman siya. Minsan gusto lang naman daw niya na marinig siya. Bakit lahat ng sasabihin niya….nakakairita, nakakabingi, nakaka pressure. Parang wala nang gustong makinig sa kanya. Parang wala na siyang karapatan ilabas ang nararamdaman at kung ano ang nasa isip niya. Bakit daw sila, kahit paulit ulit ang sinasabi at kinukuwento nila…pinapakinggan niya. Bakit daw kapag siya na ang magsasalita binabara siya? Isang mahinang tapik sa balikat, okay lang iyan. Kaya mo iyan. Kahit nasasaktan ka, iiyak mo lang tapos na. Umiyak na naman si Marikyat, oo naman daw kahit nasasaktan siya….kinakaya naman daw niya. Kaya nga daw hindi na siya nagsasalita baka mabara lang siya. Nakakalungkot at nasasaktan daw siya. Napapagod na rin siya….sana nga daw dumating na si Lord at kunin na lang siya para matapos na. Heto na naman tayo, sumusuko ka na naman…sabi ko sa kanya. Napangiti siya ng mapait, alam ko pilit na lang niyang pinapasaya sarili niya. Hindi daw kasi niya ini expect na ganito. Akala daw niya, mas maging masaya siya. Pero sige lang daw tuloy lang, pasasaan at lilipas lang din yung ini emo niya. Ayun, lumakas ang tapik ko sa balikat niya. Sabay tawa, sintomas lang ng menopausal iyan. Sabay kaming nagtawanan.

The truth absolute

“The word of God is living and active, sharper than any double-edged sword, it penetrates into the dividing of the soul and spirit, the joints and the marrows” ~Hebrew 4:12

The bible is the word of God. A living word of God!

Mga Kasagutan ng Panginoon sa aking prayers. During that vision and answered prayer…the Word of God literally became life to me. Yes, His Word is active. Buhay na buhay kahit sa panahong eto, sa anumang oras. Sinimulan ko uling buklatin ang bibliya. But to be honest, nahirapan pa rin akong unawain. Pero hindi naging dahilan para isantabi ko ang inuutos sa akin ni Lord. Nagdasal ako at hiningi ko sa Kanya na bigyan Niya ako ng kaalaman na maintindihan ko ang Kanyang mga salita.

Glory to God!!! Ask and it will be given to you! Wow, the Word of God literally became life to me! Pakiramdam ko lagi akong uhaw sa salita ng Diyos. There were times that I woke up in the wee hours para magbasa.

“All scripture is given by inspiration of God, and is profitable for doctrine, for reproof, for correction, for instruction in righteousness: that the man may be perfect, thoroughly furnished unto all good works.” ~ 2 Timothy 3:16-17

Pasensiya na, sobrang na excite ako habang sinusulat ko eto. Tagos sa puso ang mga salita ni Lord sa bibliya. Marami akong natutunan at nagising ako sa mahabang pag tulog. Kalayaan, yes…humulagpos ako sa kadenang nakapulupot sa aking mga kamay at paa. Mahabang panahon akong bilanggo sa mga maling turo at tradisyong ginawa ng tao.  Sa maling turo ng mga simbahan taliwas sa mga aral ng Panginoon.

Napakarami pala tayong nilalabag. Ang buong akala ko, ang daang tinatahak ko papunta sa Kanya ay tama. Hindi pala. Ang daan patungo sa Kanya ay hindi madali. Ito’y makipot. At ayun sa bibliya…kakaunti lamang ang dumadaan at nakakasumpong niyon. Nakakalungkot.

“Enter through the narrow gate. For wide is the gate and broad is the road that leads to destruction, and many enter through it. But small is the gate and narrow the road that leads to life, and only a few find it.”- Matthew 7:13-14

Ang bibliya sa kisame

Matapos kong ayusin ang mga dapat kong gawin nang nasa Pinas ako buwan ng June, naghanap kaagad ako ng bibliya sa National bookstore. Bumili ako ng isa, yung may old and new testament na NIV (New International Version)* meron din akong iseshare about this version.*

Habang nasa bahay ako, inumpisahan ko nang basahin ang tungkol sa Deuteronomy. Meron akong naintindihan at meron ding hindi. Sa tutuo lang hirap akong unawain ang mga nakasulat doon. Naisip ko kaya siguro iilan lang ang nagbabasa neto kasi ang hirap niyang intindihin. Hindi pa gaanong nagtanim sa isip at puso ko ang lahat nang nabasa ko. Sinabi ko kay Lord iyon.

Hindi na uli ako nagbasa ng bibliya. Dinala ko siya sa Tsina nang bumalik ako nang buwan ding iyon. Dinala ko pa sa opisina para doon ko na lang basahin during breaktime. Hindi ko nagawa iyon, lagi kong ipinagliliban ang pagbabasa. Lagi kong sinasabi sa sarili na next time na lang.

Month of August:

Magweweek end, nag ayos ako ng drawer ko sa office. Nakita ko ang bible na dinala ko. Hinawakan ko at balak kong iuwi sa apartment. Pero muli kong ibinalik sa drawer at nasabi ko ulit sa sarili ko na next time na lang. Kinabukasan Sabado, pinadalhan na kami ng memo kanina na may annual medical check up kami sa Yantai city hospital. Lahat ng mga managers at foreigner ng company, kasama na kami siyempre ni tartskie. Nang gabi pa lang sinabi ko na kay tartskie na hindi ako sasama sa Yantai. Matutulog na lang ako.

Kinabukasan, nagpaalam na si tartskie na aalis na siya. Maaga ang sundo ng company bus, alas singko y medya dapat nasa ibaba na. Ako naman bumalik na sa pagtulog. Nagising ako nang mga alas siyete ng umaga, ayon sa wall clock sa kwarto namin. Nanatili akong nakahiga. Nag iinin. Nakatitig ako sa kisame. Nagulat ako, ang buong kisame ay naging isang bukas na bibliya! Gumagalaw ang bawat salita! Tila may buhay. Nananaginip ba ako? Kinurot ko ang aking sarili sa tagiliran sa bandang itaas ng hita sa pag aakalang nanaginip lang ako o namamalikmata! Pero gising na gising ako, wala akong naramdamang takot kundi pilit kong binabasa sa pag aakalang marahil may gustong ibigay na mensahe ang Panginoon. Hindi ko na namalayan kong gaano katagal ang tagpong iyon. Bumangon ako at nanalangin, tinanong ko kay Lord kung ano ang nais niyang ipahiwatig sa akin.

Napakabait talaga ni Lord, matapos kong ihingi sa Kanya na bigyan ako ng sapat na pang unawa sa mga ipinakita Niya sa akin. Sinagot Niya ang panalangin ko! Basahin ko ang mga salita Niya sa bibliya.

To be continued…

Ang sumunod

Habang binabasa ko ang nilalaman ng testimoniya, nararamdaman ko ang presensiya ng Panginoong Hesus. Nasa tabi ko lang Siya. Hindi ko siya nakikita nang pisikal pero bakit ganoon…nakikita kong nangingilid ang luha niya?  Ah sadyang makapangyarihan si God,  walang imposible sa Kanya. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko sa tindi ng kalungkutang naramdaman Niya. Dahil sa pagiging ligaw ng mga taong kanyang nilalang. Ang mga kasamaan na naghahari sa mundo. Marami ang papunta sa malawak na daan. Ang sabi ng Panginoon, makipot at makitid ang daan patungo sa Kanya at kakaunti ang nakakasumpong ng daan na iyon. Tagos sa puso. Isa na ako doon. Aminado ako…isa rin akong ligaw ang kaluluwa. Lahat tayo ay hindi malinis. Lahat tayo ay makasalanan. “No one is righteous” according to Romans 3:10  at kung sinuman ang nagsasabing siya’y malinis at walang kasalanan siya’y isang sinunggaling (1John 1:10).  Tila wala na akong nakikita sa kapaligiran ng kabahayan. Puro maputing usok lang ang nakikita ko. Tila para akong nasa alapaap. Hindi ko maaninag ang anumang kagamitan sa aking paligid. Hilam na sa luha ang mga mata ko. Nanghina ako, napaluhod at pumikit at nag usal ng panalanging sadya na lang lumabas sa aking bibig, panalanging nagmula sa puso. Humingi ako ng kapatawaran sa mga nagawa kong kasalanan. Pinagsisihan ko ang lahat ng mga nagawa ko nang hindi naayon sa Kanya.  Maliit man iyon o malaki. Nakalipas man o kasalukuyan. Tinanggap ko si Lord Jesus as my Lord and Savior. Ika nga’y kung sa giyera, sinurender ko na ang lahat lahat sa Kanya. Katahimikang nakakabingi. Nang iminulat ko ang mga mata ko, nakita ko na ang buong kabahayan! Basang basa ng luha ang damit ko sa bandang taas. Lumuwag ang dibdib ko. Gumaang ang pakiramdam ko, bakit ang saya saya ko? Ibang klaseng kasiyahan ang naramdaman ko pagkatapos ng panalangin na iyon. Pagkatapos ng walang tigil na luha. Tila gusto kong tumalon at sumayaw sa tuwa. Pakiramdam ko nabuo muli ang pagkatao ko. Nakumpleto at napunan ang matagal nang kakulangan sa puso ko. Si Lord lang pala ang kulang! Dati ko naman Siyang kilala ah. Oo, ina-aknowledge ko si Lord Jesus kahit noon pa na tangi kong Panginoon. Nagdadasal ako sa Kanya. Siya nga lang ang tangi kong hingaan ng aking mga saloobin. Noon ko pa Siya kinakausap. Gumagawa naman ako ng kabutihan at akala ko sapat na iyon. Hindi pala, kailangan ko palang ihingi ng kapatawaran ang kung ano mang kasalanang nagawa ko. Ask forgiveness, and it will be given to you. Sabi nga Niya, paano ko ibibigay ang hindi naman hinihingi? At walang sinumang tao o diyos diyosan ang makapagpatawad ng mga kasalanan natin, kundi Siya lang. Siya lang talaga mga kachika, SIYA LANG! “I Am The Way The Truth and The Life, NO one can come to The Father who is heaven except through ME” (John 14: 6) Napakalinaw, walang sinuman. Kahit pari, kahit ang papa, si Mary….si….si….ah, napakaraming diyos-diyosan ang mga tao. Mga kapwa tao lang din naman pala sila, mga taong ginawang diyos ng mga tao rin. “Thou shall not have any other gods before ME” (Exodus 20:2-3) Tumataginting ang mga kautusang eto ng Panginoon!  “You shall not make for yourselves a carved image or any likeness of anything that is in heaven above or that is on earth beneath or that is in water below” ~Deuteronomy 16:22  ” You shall not bow down to them or serve them, for I, The Lord your God, Am a jealous God,… (Exodus 20:4) Napakarami akong nilabag sa kautusan ng Diyos. Iilan lamang pala ito sa mga dapat ko pang malaman. Akala ko eto na yun, akala ko eto lang ang mga nilabag ko sa turo at kautusan ng Panginoon.

Recap lang kung paano ako inalalayan ng Panginoon sa mga bagay bagay na dapat kong malaman. Hindi kasi ako nagbabasa ng bibliya, wala ako niyon. Wala akong alam na mga verses. Wala akong panahon magbasa niyon, puro lifestyle magazine ang hilig kong basahin. Basta ang alam ko SIYA lang ang Diyos ko, sa Kanya lang ako nagdadasal. Mabait ako….at gumagawa naman ako ng kabutihan. Iyon ang akala ko pero marami pa pala.

Eksaktong petsa, Mayo 24, 2010 .

Naaninag ko na ang munting liwanag na tumatagos sa kurtina ng kuwarto namin ni Tartskie. Idinilat ko na ang mga mata ko. Kinuha ko ang alarm clock sa lamesita sa tabi ng kama. Alas singko pa lang. Kaya pala hindi ko narinig na nag alarm, alas 6:00 kami bumabangon para mag ayos papasok sa trabaho.  Tulog na tulog pa si Tartskie. Nahiga na lang ulit ako, hindi para matulog kundi mag iinin lang sa higaan. Nakahiga ako, may hulma akong nakita hanggat sa luminaw eto. Ang Panginoong Hesus! Hindi ko maaninag ang mukha niya. Tanging ang mga mata lang niya ang nakikita ko.  Nakasuot ng robang puti, hanggang balikat ang buhok. Alam kong nakatitig siya sa akin, may sinasabi siya. Walang lumabas na boses pero naririnig ko sa isip ang sinasabi niya. “TRUTH HAS YET TO REVEAL, NONAH”  May nakikita akong kataga sa bandang itaas niya DEUTERONOMY? Napakabilis lang ng mga sandaling iyon. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang mga oras na iyon. Walang bahid ng takot, pero hindi ko maipaliwanag. Deuteronomy? Ano iyon? Ano ang truth na sinasabi ni Lord? Nonah! Kilala ako ni Lord! Tinawag niya pangalan ko? Doon na tumulo ang luha ko, pakiramdam ko isa lang akong alikabok sa lupa pero napansin ako ni Lord? Kilala niya ako? Hala walang tigil na ang luha ko, iyak na nga yata kasi nagising si tartskie. Tinanong niya ako kung bakit ako umiiyak. Sinabi ko sa kanya. Hindi siya nagulat pero tahimik siya. Medyo tulala pero bakas sa mukha niya ang saya. Saksi siya sa mga pangyayaring naganap sa akin.

Mahaba haba na eto, gusto niyo pa bang magbasa? Bored na ba kayo? Pero sige, kahit na….ituloy ko na lang eto.

Agad kong binuksan ang Ipad ko at nag search ako ng katagang Deuteronomy. Ayun, isa pala siyang chapter sa bible. Akala ko tungkol siya sa science. Tunog Astronomy, Botany, Autonomy kasi. Anong gagawin ko? Wala akong mabiling bibliya dito sa parte ng Tsina kung saan kami naroroon. Meron siguro pero ang hirap, dudugo na naman ang ilong ko sa pag eesplika kung ano ang hinahanap ko. Bibihira pa naman ang matatas magsalita ng english dito.

Tamang tama, babakasyon ako ng June. Makakabili na ako ng bible sa National bookstore.

Itutuloy… Susunod na agad ang kasunod.

 

Ang simula

Uuy kumusta kayo? Oo nga pala salamat ng marami sa pagfollow niyo dito sa blog ko, alam niyo na kung sino kayo. From the bottom of my heart…thank you! Kung meron kayong blogsite pakiiwan na lang ng link sa comment nang sa ganun mabisita ko naman kayo.

Medyo natagalan ang follow up ko, lately kasi nakakatamad talagang kumilos. Winter na naman, sa ginaw ng panahon ang sarap lagi matulog at kumain. At nakakatamad din lumabas, kung pwede nga lang.

image

Karamihan ngayon abalang abala sa nalalapit na kapaskuhan. Shopping, parties…family reunion, pagbabalot ng mga regalo para sa mga loveones, inaanak, kamag anak etc. sa mga lulutuin at ihahandang mga pagkain. Ako heto, less stress..no chaos.  Iyon ang isang advantage when you are out of this world. Sabi nga ni God sa bibliya, John 8:32  “And you shall know the truth, and the truth shall make you free.”

nasumpungan ko iyon, iba ang pakiramdam….tahimik, happiness, contentment…basta! Everytime naaalala ko ang ginawa sa akin ni Lord hanggang ngayon naiiyak pa rin ako. Sa kaligayahan at sobrang pasasalamat sa KANYA.

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang karanasan ko kung bakit at paano ko natagpuan ang matagal nang missing part sa heart ko. Noon may void akong naramdaman, pero hindi ko alam kung ano iyon. Mahilig ako mag shopping noon, tutuo…mahilig ako sa branded. Nabibili ko naman lahat ng gusto ko, hindi sa pagmamayabang. May Engineering business kami noon sa Malaysia, mabilis ang pasok ng pera pero lahat ng iyon feeling ko walang halaga. Kapag nabili ko na ang isang bagay, titigan ko lang, wala akong ganang gamitin at pansamantala lang ang saya na naramdaman ko. May kulang…ano? Hindi ko rin alam.

Isang umaga iyon. Spring 2010, buwan ng abril. Nakaupo ako sa bintana, ang paborito kong tambayan kapag ako’y nagmumunimuni habang umiinom ng kape. Sumisibol na ang mga dahon at cherry blossoms, nagkakaroon na ng kulay ang kapaligiran hindi kagaya kapag winter, barren ang view. Brown ang mga puno at dahon. Mabuti na lang may evergreen pine tree, at least may kulay berde.

image

Maagang sinundo si tartskie papuntang airport, kailangan niyang magrenew ng passport at mas pinili niya sa Pilipinas na lang kesa sa Beijing. Apat na araw kaming walang pasok sa office pero hindi na lang ako sumama, expenses wise na rin.

Alas diyes na noon, naisipan kong magbukas ng facebook. Si Tess may pinost na naman sa timeline ko, “ang kulit” nasabi ko. Two times na siya nagpost sa timeline ko nang parehong link. Isang testimony iyon ng  batang babae about kay God. Hindi ko iyon binigyan ng pansin, ni hindi ko nga inopen ang link para basahin. This time, naisipan kong basahin…

(To be continued….)

 

 

Disyembre na!

Disyembre na nga. O kay bilis manakbo ng panahon. Ilang araw na lang malapit na matapos ang taon, kailangan magbagong bihis naman ang blog ko. Tadaa! Ayan, nagpalit anyo na nga etong virtual home ko. Eight years na rin na hindi ko man lang napalitan ang theme neto. Kung bakit? Simula 2010 ay hindi ko eto mapasok dahil sa konting problema na hindi ko na inayos hanggang sa napabayaan ko na siya. Akala tuloy ng mga kachikahan ko tuluyan na akong namaalam sa mundo ng blog, kaya ayun nagkawalaan na kami.  Kagaya nga nang naipost ko dito.

Okay, balik tugtog tayo. Lahat halos ay excited na ngayon, sa darating na pasko at bagong taon. Mga partey partey…shopping at kung anu ano pang paghahanda ng karamihan. Naalala ko pa, September pa lang, naglilista na ako ng mga inaanak at kung ano ang mga ireregalo ko. Nakalista na rin ang mga putaheng ihahanda ko sa noche buena at media noche. Bilin ko pa kay Chona, ang aking dakilang kasambahay; na ilabas na ang mga nakatagong xmas decors at kailangan nakatayo na ang xmas tree para pagdating namin ni Tartskie ay masaya at kumikinang kinang na parang mga munting bituin ang mga lightings neto.

That was four years ago. *Hingang malalim* muna ako. Oo, apat na taon nang hindi kami nagse-celebrate ng tradisyon na eto. Ako at ang pamilya ko. Mahabang kuwento kung bakit at paano. Kapag eto ay aking ibabahagi, alam kung marami ang hindi maniniwala sa akin, at sasalungat. Okay lang po, ikukuwento ko pa rin ang nangyari sa akin maniwala man kayo o hindi. Pero sa susunod na kabanata na po at sabi ko nga’y mahaba habang kuwento eto. Hanggang sa susunod mga Kachika!

Kahit saan meron

Kararating lang namin ni Tartskie sa apartment, hinahanap ko ang susi sa bag ko para buksan ang pinto nang mapansin kong wala ang cellphone ko. Argh, naiwan ko na naman sa opisina. Na naman kasi dalawang beses nang nangyari sa akin eto. Hindi rin kasi ako ma cellphone, kasama ko naman si Tartskie kaya hindi big deal sa akin ang mag abang ng text o tawag. Napatingin siya sa akin. “O, ano?” Ibig niyang sabihin kung babalikan niya sa office o ano? Malapit lang naman ang opisina wala kasing traffic dito pwede na sa kinse minutos. Ang mahirap yung kumuha ng taxi. Walang dyip dito, may bus pero may designated station lang kung saan ka pwedeng sumakay at bumaba. Kami naman hatid sundo ng company car kaya hassle kapag binalikan pa, mag aalas 6:30 na rin at siyempre gutom na kami pareho. Sabi ko sa kaniya, hayaan na at hindi naman mawawala iyon. Opo (tunog lola Tinidora), kampante akong hindi mawawala. Noong una kasing naiwan ko ang telepono ko, tumawag ako sa opisina. May mga nag oovertime pang mga chinese local. Nakausap ko si Wang Xiaoyi, tinanong ko kung may nakita siyang cellphone sa mesa ko. Medyo malayo layo siya sa table ko, at dinig ko yung malakas niyang boses, salitang intsik pero wari ko’y tinatanong niya sa area ko kung may cellphone ba sa ibabaw ng lamesa ko. Pangalan ko lang ang malinaw na naintindihan ko. Sabi niya sa akin, oo daw. So ibinilin ko na lang na ilagay sa isang drawer ko na hindi ko isinususi kasi puro lang naman mga papel ang laman niyon. Ayun na nga kinabukasan nasa drawer ko ang cellphone ko, yay!

image

Eto namang case ko sa pangalawa. Hindi na ako nag abala pang tumawag. Bahala na si batman. Kinabukasan, kung saan ko naiwan ang telepono ko ay naandun pa rin. Nakabuyangyang lang sa harap ng computer ko at alam kung sa gabi mga alas nuwebe kapag wala ng tao sa opisina ay nagroronda rin sa bawat department ang isa sa mga guwardiya para rin macheck kung walang naiwang nakabukas na mga computer o printer at sila na rin ang nagpapatay ng mga ilaw. Natutuwa ako sa kanila, mga intsik sila…at oo di ba, marami tayong mga bali balita na hindi magagandang kaugalian nila pero sa kaibuturan ko, pinupuri ko sila sa pagiging honest. Hindi naman cheap ang telepono ko at hindi rin naman sobrang kamahalan. Sakto lang, pero naikukumpara ko lang na siguro kung sa Pinas ko eto naiwan siguradong dalawang beses na akong bumili ng telepono. Kasi ultimo yata nokia 3310 ay pinagkakaintresan pa sa atin. Hindi ko naman nilalahat at alam kung meron pa ring mga ginintuang puso nating mga kababayan. Patunay lang sa mga taxi driver sa atin na sinasauli at inirereport ang mga naiwang gamit ng mga pasahero nila. So far sa nine years kong pamamalagi dito sa bansang Tsina, nabago ang dating hindi magandang imahe na umukit sa isip ko tungkol sa kanila. Mabait sila, handa kang tulungan kapag kinakailangan (hands up ako dito). Kilala sila sa pagiging kuripot, iyon ang pagkakilala ko sa kanila pero ang tutuo napaka generous nila. Sa usaping agawan ng isla sa Panatag aware din sila dito, ang sabi nila gobyerno sa gobyerno ang usapin at labas sila sa isyu.  Kaya kung meron mang mga balitang hindi maganda sa kanila tahimik lang ako, dahil alam ko at saksi ako na hindi lahat ng mga intsik ay masasama. ‘Til my next post Kachika.

 

image

Agimat

Uy wow, nasa oven pa lang naaamoy ko na ang inihaw na manok. Iisang pirasong hita lang ang ang ginawa ko. Dahil mag isa lang akong kakain ngayong hapunan. Perpek with bagong lutong sinaing. Tv dinner dahil manunood ako ng 24 Oras. Hindi naman ako excited manuod ng balita, sa tutuo lang parang routine na lang na sa tuwing pagsapit ng alas sais y media, ay uupo ako sa harap ng tv at makikibalita.

Heto pa rin, ang walang kamatayang laglag bala o tanim bala.

Nakakadismaya at nakakabahala na. Ang haba na ng naisulat ko tungkol sa topic na eto, pero naisipan kong huwag na lang i-publish. Baka makadagdag stress pa sa kung sino man ang makakabasa ng post ko. Habang nanunood ako, may dalawang nakitaan ng bala. Kumpirmado na anting anting ang dala nila. Matapos silang inimbistigahan ay kinumpiska yung dala nila at hinayaan nang makabiyahe. Napaisip lang ako, hindi pa ba umabot sa kanila ang balitang hulihan ng bala sa paliparan at nagdala pa rin sila? Ayon sa isa, limang taon nang nasa pitaka niya ang basyo dahil panlaban daw niya sa kulam. Opinyon ko ho eto at paniniwala….hindi ako naniniwala sa agimat. Para sa akin, it’s just a form of deception by the son of perdition. May Diyos tayo, pananampalataya, tiwala at dasal lang ay sapat na. Kung may nangyari mang maganda o nakaligtas ka sa isang hindi magandang pangyayari dahil sa nasa pitaka o bag mo ang sinasabi mong agimat, naipagkamali mo iyon na dahil diyan kaya ka nakaligtas o sinuwerte. Hindi po, mahal ka lang ng Diyos. At nabiyayaan ka. Give Him glory at hindi iyang bala na iyan. Oops, okay walang basagan ng trip sabi mo? Sabi mo nga’y kaniya kaniyang paniniwala. Eto naman ay paniniwala at opinyon ko at siyempre doon na ako sa tama. Hanggang sa muli!

image

Sa wakas!

Ni hao mah? *kaway kaway*

Sa wakas nakatuntong ulit ako sa bahay ko, namiss kong tumambay dito ah.  Mga kachika, pasensiya na kung hindi ko man lang nadalaw ang mga blog niyo o nasagot ang mga comments niyo (feeling marami? Hehe). Nagkaroon lang ng problema etong blog ko, nakipag ugnayan ako sa wordpress help center, after some verification, proofs etc etc. nanalo ako sa kaso (seryoso?), napatunayang akin nga eto. Ang kaso nga pala, inalis daw yung username ko kaya hindi ko ma-access..kung paano at kung sino ay hindi na mahalaga basta naibalik na sa akin wala nang maraming usap pa. Salamat sa iyo Daniel, sa iyong mahabang pasensiya sa mga pangungulit ko.

Maglilinis muna ako dito. Saka na ako chichika, salamat sa pagbabasa. Ingat tayo lahat, sa mga bibiyahe lalo na…alam niyo na.

Sana alam mo

Sana alam mo na ginagawa mo.

Sana marealize mo na para sa future mo ang paghahandang pinapagawa ko sa iyo. Ikaw ang makikinabang niyan pati magiging family mo. Sana matutunan mo na kung saan ang tamang way papunta doon, kung alam mong baku bako ang daan na nilalakaran mo pwede mo namang iwasan yun nang sa ganun hindi ka natatapilok.  Ikaw lang ang makakagawa niyon, walang bubuhat sa iyo para marating mo ang pupuntahan mo, may sarili kang mga paa, matibay, malakas kaya alam kong kaya mo. Nakikita mo naman kung paano kita tinutulungan di ba? Hangga’t sa makakaya ko….tutulungan kita. Pero sana tulungan mo rin ang sarili mo. Huwag ka magpapatalo sa sakit na iyan, it’s only in the mind.  I’ll always be here for you. Basta huwag kang sumuko. Wish you well, goodluck and God bless you. Kaya mo iyan girl!

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 20 other subscribers

Ako…konting ako.

Isang simpleng mamamayan. Tagasunod ng daan, katotohanan at buhay. Ang nilalaman ng post ko ay sariling opinyon, pananaw, karanasan at paniniwala. Welcome kayo magcomment o magbigay ng saloobin basta ingatan lamang po natin na hindi tayo nakakabastos at nakakapanakit ng kalooban. Kung hindi ninyo nagugustuhan ang isinusulat ko, simple lamang po pindutin lang ang 'X' button. Kung inis ka...sorry hindi ako inis. Basta dito sa blog ko....chichika pa rin ako. Spread love not war! 😊

Blog Stats

  • 14,883 hits